Sabrina's POV
6:30 in the morning, eksaktong eksakto nandito na ako sa office. Yung mga katrabaho ko wala pa, ako pa lang ang tao dito. Grabe ka talaga sakin sir Nicks! Pero okay lang, ang mahalaga wala ka na. De joke.
Ngayon pala ang alis ni sir Nicks. Ngayon ko na din makikilala ang magiging bago kong boss. Sino kaya siya? hindi kasi nasabi ni sir kung anong pangalan niya eh. Sana naman mabait siya. Halos mag aapat na taon na ako dito sa trabaho ko, puro pagsusungit ni sir Nicks ang inabot ko. Pinaglihi yata siya sa sama ng loob eh -__-
Maglilinis na lang muna ako sa office niya, wala pa naman ako ginagawa dito eh, ayokong tumunganga lang.
Hinubad ko muna yung blazer ko, para mas makagalaw ako ng maayos.Wala namang ibang papasok dito kaya okay lang kahit alisin ko 'to. Kinuha ko yung walis at tambo at sinimulang maglinis. Medyo maalikabok dito, hindi ba 'to nilinisan ni manong Alfred? yung janitor namin. Oo nga pala, hindi pwedeng linsin 'to kapag hindi sinabi ni sir. Ang weird talaga, bakit kaya?
After an hour,
Sigh. Buti na lang pala nakapag dala ako ng extra blouse. Kung hindi, lalagkitin ako. Pinagpawisan ako. Ang laki laki ng office na 'to puro naman alikabok. I'm done. Tumingin ako sa watch ko, 30 minutes na lang dadating na yung mga katrabaho ko.
Teka, kaya ba ako pinapasok ng maaga ni sir Nicks kasi alam niyang madumi itong office niya at sinadya niyang ipalinis sakin?! Tokwa naman oh! eh bat di niya sinabi sakin? Kung hindi pa ako naglinis dito, malamang madadatnan 'tong madumi ng bago kong boss. Ikaw na talaga sir Nicks -.-
Makapag pahinga na lang muna. Kumuha ako ng tissue para punasan yung pawis ko, grabe di uso aircon?!
"Excuse me..."
Nagulat ako ng makarinig ako ng voice ng isang lalaki from my back. May tao na?! tumingin ako sa relo ko, maaga pa naman ah?
Naalala ko, naka spaghetti strap lang pala ako. Agad kong tinakpan yung dibdib ko habang dahan dahan na naglalakad sa may couch, dun ko nilagay yung blazer ko. I don't know kung sino siya, hindi naman kasi ako naka harap sakanya eh.
"Sino ka?" he said.
Teka sandali! susuotin ko lang yung blazer ko >...<
Nararamdaman kong papalapit na siya sakin. Kaya nagmadali ako, at pagharap ko ngumiti lang ako.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. I was dumbfounded. Nanginginig yung bibig ko, gusto kong magsalita pero parang nawalan ako ng boses. Hindi din ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Totoo na ba 'to? Hindi ba ako nananagininip lang?
Nangingilid ang luha ko, any time babagsak na ang luha ko. Hanggang sa hindi ko na napigilan,
I hugged him. Tears fall from my eyes. Matagal ko nang hinintay ito. Matagal ko na siyang gustong yakapin ng mahigpit.
"Bumalik ka..." I said.
Yung luha ko ayaw tumigil. Hindi ba dapat masaya ako? Nandito na siya, tinupad niya yung pangako niya sakin.
"Cyrus..." I heard someone's voice, sa labas ng office. Pagkatapos may isang babae na pumasok.
"Cyrus..." sabi niya habang naka tingin saming dalawa. Hindi ko maexplain yung reaction niya pero parang nagulat siya sa nakita niya.
Inalis ni Cyrus yung pagkakayakap ko sakanya.
"Magkakilala kayo?" tanong nung babae kay Cyrus. Hindi ko siya kilala ngayon ko lang din siya nakita.
Pinunasan ko yung luha ko. Sino ba siya?
"Hmm, excuse me pero, magkakilala ba kayo ni Cyrus?" this time ako naman ang tinanong niya.
BINABASA MO ANG
You're The Only Love I Know
RomanceAno ba ang mas masakit? Ang malaman mong kinalimutan ka na niya o ang makalimutan ka niya? Wala akong maisagot sa tuwing may magtatanong sakin nyan. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko wala akong maisasagot. Ayokong malaman dahil ayokong masa...