Chapter 12

12 1 0
                                    

Sabrina's POV

"Oh, there! dun na lang tayo sa restaurant na yun" sabi ni Hazel.

"Are you sure?" tanong ni Cy sakanya.

"Yes. Mukhang masarap kumain dyan eh, sige na dun na tayo"

"Okay" he said.

I don't know why kung bakit ko pa hinayaang sumama ako dito. Pero mukhang kakain lang naman yata kami eh, sigh, okay...

Nagpark na kami sa tapat nito, at pagkatapos bumaba na rin sa car. Sandali, parang pamilyar sakin ang restaurant na 'to. Nakapunta na ba ako dito dati?

Pagpasok namin agad namang may nag assist samin. Ang ganda sa loob, halatang pangmayaman eh. Pamilyar talaga sakin 'to, teka... ipinikit ko ang mga mata ko,..

At...

Oo tama! dito yun, after graduation dito kami pumunta... ni Cyrus.

"Oh Cassandra? halika na dito, maupo ka na" pagtawag sakin ni Hazel, agad naman akong lumapit sakanila at naupo na rin.

Limang taon na nga pala ang nakakaraan, may konting pinagbago sa loob nito. Pero may tumutugtog pa rin ng violin, siya pa rin pala? yung tumugtog samin noon, nandito pa rin.

"This is so nice! order na tayo Cy?" she said.

Ang araw na yun, napaka-memorable sakin ng araw na yun. Paano ko ba naman makakalimutan yun, sobrang saya ko noon and at the same time nalungkot din ako sa pag-alis ni Cy.

"Cassandra, what's your order huh?"

I will never ever forget that day, this place, and him...

"Uhm, Cassandra? are you okay?"

"Huh? ah, hehe oo okay lang ako" I said. Ano ba yan, kung ano ano na naman nasa isip ko -_-

"Okay, order ka na" she said atsaka inabot sakin yung menu. "wait here, pupunta lang ako sa powder room"

"Okay" he said.

Nasabi na namin ang orders namin dun sa waiter at ngayon kaming dalawa na lang ang naiwan dito. Nakakaramdam ako ng awkwardness. Ewan ko, hanggang ngayon ayoko pa rin siyang tignan. Hindi ko makalimutan yung sinabi niya nang gabing yun.

"Yung nangyari kanina, wag mong isipin yun. Ginawa ko lang yun para matahimik na sila"

"Salamat, salamat dahil hindi ka kumontra"

"Arrghh, nakakaasar talaga!" bulong ko.

"Huh? may sinasabi ka ba?"

Masyado bang napalakas ang sinabi ko kaya narinig niya?

"Ah, wala po sir..." sagot ko, ayoko talaga siyang tignan nakakainis pa rin!

"Wag mo na akong tatawaging sir in public place tulad dito. Wala tayo sa office okay?" he said.

"Yes si--, opo"

"Haaay, bakit ba masyado kang magalang? eh mukha namang magkasing-edad lang tayo ah?"

Bakit ganyan siya magsalita? Parang kakaiba, parang yung unang Cyrus na nakilala ko. Oo, ganyan nga siya magsalita.

"Oh ano? sandali nga, kanina ko pa napapansin, bakit hindi ka makatingin sakin? May mali ba sa mukha ko ha?" tanong niya. "Huy, sumagot ka nga" dagdag pa niya.

Ibang iba siya magsalita ngayon kumpara nung muli kaming magkita sa office. Seryoso siya magsalita nun, professional na professional talaga. Pero ngayon, yung dating Cyrus ang naririnig ko. Hindi kaya...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're The Only Love I KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon