Continuation...
~~
Sabrina's POV
He's holding my hand, sobrang na-miss ko 'to. Sa tuwing hinahawakan niya ang kamay ko noon pakiramdam ko palagi akong safe. At ngayon, same feeling.
Sa limang taon na nawala siya, sa ilang taong nalungkot ako ng dahil sakanya, lahat ng sakit parang biglang nawala. Ang saya saya ko ngayon, sobra.
Habang dahan dahan kaming naglalakad sa stage na 'to hindi ko mapigilang maluha, pero pinigilan ko pa rin ang pagtulo nito, ayoko namang makita ng maraming tao na napakaiyakin ko.
Ilang saglit lang nagsalita yung host, ipinakilala niya si Cyrus sa mga bisita, while me heto nakatayo lang dito sa tabi niya. Pero ayos lang, masaya na ako kahit ganito lang.
"Maupo ka muna doon" bulong niya.
At kasabay ng pagbulong niya ang pagbitaw naman niya sa kamay ko.
"O-okay po" I answered.
Bumaba ako sa stage at naupo sa harapan.
"Good evening. First of all, gusto kong magpasalamat sa lahat ng mga pumunta ngayong gabi. By the way, I'm Cyrus Nickson..."
Habang nagsasalita siya napapangiti ako. Masaya ako para sakanya ngayon. Nakakatawang isipin na magiging boss ko siya ngayon. Hindi ko alam kung bakit sa ganitong paraan pa kami ulit nagkita, kung bakit kung kelan kami pagtatagpuin muli saka naman nagbiro ang tadhana saming dalawa. Sigh. Ang mahalaga nakikita ko siyang masaya, okay na ako sa ganun. Basta maayos at masaya siya, kahit hindi na niya ako makilala okay lang.
"...once again, thank you for coming tonight" nakangiti niyang sinabi.
"Okay, thank you Mr. Cyrus Nickson. Kung meron pa po kayong gustong itanong kay Mr. Nickson, you can ask now" sabi nung host.
May nagtaas ng kamay, mukhang isang reporter yata.
"Sinong nakaisip ng idea na bigyan ng pangalan ang mga shoes na ito?" tanong nung reporter.
"Naming these shoes is my idea. Noong nasa america pa ako, naisip ko nang bigyan ng pangalan ang mga shoes na ito dahil naisip kong magiging unique ito sa lahat ng mga sapatos na nabibili sa mga store dito. And besides, sa tingin ko rin mas matatandaan ng mga mamimili kung may sariling pangalan ang mismong shoes na 'to. This is not the usual shoes na makikita niyo sa mall because this shoes has its own quality and uniqueness"
"Magiging available ba ito sa iba pang malls besides sa Nickson Malls?"
"Yes. It will be available in other malls" he answered.
"Okay, one last question. Yung ka-holding hands mo na kanina is she your girlfriend? Because you looked cute and sweet together. Maaari ba naming malaman kung anong pangalan niya?"
Nagulat ako sa narinig ko. Ano bang klaseng tanong yan?! tss, bigla namang nagtinginan sakin yung mga katabi ko.
"Ah, nako nako hindi po, hindi niya po ako girlfriend, hindi po" sabi ko sakanila, umiiling iling pa ako.
I heard him smirked.
"Yes. She is my girlfriend"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko na naman. A-ako girlfriend n-niya? O____O
Oo. Pero noon yun...
"So, pwede ba namin siyang makilala?"
Kinakabahan ako sa mga nangyayari ngayon. Ano bang sinasabi niya? Yung mga katabi ko nakangiti habang tinitignan ako, nakakahiya >_<
Bumaba si Cyrus sa stage, pinuntahan ako atsaka ako hinatak paakyat sa stage.
"Sumakay ka na lang. Gusto ka nilang makilala" bulong niya sakin.
Iniabot niya yung mic sakin, anong sasabihin ko?
"H-hi, a-ako po si... Sabrina, Sabrina Cassandra Tuazon" utal utal ko pang sinabi.
Nagpalakpakan naman ang lahat kasabay ng mga nagkikislapang camera sa harap namin.
Ngayon hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko, hindi ko na alam...
Natapos ang launching, nagpaiwan ako dito sa event room para asikasuhin ang mga bagay bagay, ako rin kase ang in charge dito eh. Habang tumutulong ako dito, hindi ko maiwasang isipin yung mga nangyari kanina. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko, ang alam ko lang nasaktan ako.
Sinusubukan kong hindi na lang isipin pa at dapat hindi ko rin seryosohin ang bagay na yun pero hindi ko mapigilan. Para san yun? pakiramdam ko tuloy ginamit niya lang ako.
"Sabrina, makakauwi ka na" alam kong siya ang nagsalita, hindi ako humarap sakanya. Parang di ko yata kayang tignan siya ngayon.
Lumayo ako, kinuha ko yung mga gamit ko sa may table. Mabuti pa nga sigurong umuwi na ako.
"Teka, iniiwasan mo ba ako?" he said.
"Hindi po sir. Sige po mauna na ako" sabi ko pero hindi ako tumitingin sakanya.
Nagsimula na akong maglakad. Gusto ko sanang tawagan si Denver para sunduin ako, kaso gabing gabi na baka nagpapahinga na rin siya. Hindi siya naka attend sa launching dahil nagkataong birthday ng kapatid niya. Magta-taxi na lang ako.
"Yung nangyari kanina, wag mong isipin yun. Ginawa ko lang yun para matahimik na sila"
I suddenly stopped nang magsalita siya. I knew it, huh.
Nagpatuloy ako sa paglalakad,
"Salamat, salamat dahil hindi ka kumontra"
Parang biglang may kumirot sa puso ko. Ang sakit. Masakit kapag sakanya na mismo nanggaling ang mga salitang yan.
"Walang anuman..." I answered.
Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa ideya niyang yun. Okay lang ako, *sob* okay na okay lang...
Bakit ba kasi napakaiyakin ko? masayahin akong tao pero iyakin din ako. Ganito, isipin mo na lang Sabrina na pumayag ka sa isang kasunduan, kahit na alam mong sa huli ikaw lang ang masasaktan...
BINABASA MO ANG
You're The Only Love I Know
RomanceAno ba ang mas masakit? Ang malaman mong kinalimutan ka na niya o ang makalimutan ka niya? Wala akong maisagot sa tuwing may magtatanong sakin nyan. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko wala akong maisasagot. Ayokong malaman dahil ayokong masa...