A/N: Hello readers! you can also read my story titled Yet Still I'm Falling. It's a nice story. Thank you :-)
~~
Sabrina's POV
Makalipas ang isang linggo, ngayon lang nag sink-in sa utak ko na kung si sir Nicks ay nephew si Cyrus ibig sabihin si Cyrus ay isa din sa mga nagmamay-ari ng Nickson Corp. Hayy, minsan kasi may pagkaboba ako eh.
Pero wala namang nasasabi si Cy sakin dati na meron silang kompanya. Baka naman sa isa sa mga kamag-anak ni Cy ang nagmamay-ari talaga nito.
"Pero bakit ni isang picture ng CEO natin wala tayong nakikita?" tanong ko kay Den. Actually, pinag-uusapan namin ngayon 'to dito sa office.
"Hindi ko alam" sagot naman niya.
"Ang weird talaga dito no?"
"Bakit hindi mo itanong kay Cyrus, total naman boss mo siya at ikaw ang madalas niya kasama?"
"Huh? ayoko, alam mo namang iniiwasan ko nang magtagpo ang landas namin eh"
"Iniiwasan? eh nasa iisang kompanya lang kayo nagtatrabaho, maiiwasan mo pa ba siya?"
"Hindi, hindi yun ang ibig sabihin ko. Basta, mahirap iexplain!"
Iniiwasan ko siya sa paraang alam ko. Ni hindi ko nga siya matitigan ng diretso sa mga mata eh, baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko. Tama na yung ganito na lang kami, maayos na nagtatrabaho.
"Wag na nating pag-usapan yan. Baka umiyak ka na naman eh" mapang-asar niyang sinabi.
"Ano? ako iiyak? hindi no!"
"Sus, napaka iyakin mo pa naman"
"Hindi nga sabi eh!"
"Sabrina"
Napalingon kami sa boses na tumawag sakin, at laking gulat namin ng makitang si Cy... si sir Cyrus ang tumawag sakin.
Ang sama ng tingin niya. Parang mainit yata ang ulo ng boss ko? Patay, yari ako.
"I need you in my office, now" cold niyang sinabi at saka umalis.
"Nagselos yan" natatawang sinabi sakin ni Denver.
"Sira!" sagot ko naman.
Selos? ni hindi nga ako naaalala nung tao eh, magselos pa kaya.
Nagmadali akong pumunta sa office niya. At pagdating ko naabutan kong walang tao dito. Nasaan na siya?
"Siiiirrr?"
Lumapit ako sa may table niya pero wala siya. San pumunta yun? Nakita ko namang pumasok siya dito eh,
"Ayoko sa lahat yung pinaghihintay ako"
Nagulat ako sa narinig ko. Dahan dahan akong tumalikod, sinara niya ang pinto at saka tumingin sakin ng masama. Badtrip nga yata?
Palapit siya ng palapit, habang ako naman paatras ng paatras. Iba yung tingin niya, never ko pa siyang nakitang ganyan noon.
Iba na nga pala siya ngayon...
"Kunin mo yung mga folders sa table" he said
"Ha?"
"Sabi ko kunin mo yung mga folders na nasa table ko"
"Ah, okay sir" dali dali kong kinuha yung mga folders.
Natatanga na naman ako -.-
"Yung unang folder, puntahan mo ang agency na yan. We need models para sa launching ng new product natin. Nandyan na yung ibang mga details tignan mo na lang. Yung pangalawang folder naman, puntahan mo rin ngayon yung mga reporters at journalists na nandyan including photographers. I'll give you until 9:00 pm. Pag natapos mo nang gawin lahat ng yan bumalik ka dito sa office ko"
BINABASA MO ANG
You're The Only Love I Know
RomantikAno ba ang mas masakit? Ang malaman mong kinalimutan ka na niya o ang makalimutan ka niya? Wala akong maisagot sa tuwing may magtatanong sakin nyan. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko wala akong maisasagot. Ayokong malaman dahil ayokong masa...