Sabrina's POV
Sigh.
Masyadong maraming nangyari ngayong araw. Parang hindi ko na yata kakayanin. Una, bumalik na si Cyrus, tapos nalaman kong naaksidente siya na naging sanhi kaya siya nagka-amnesia, tapos may iba na siyang mahal. Pero ang pinakamasakit para sakin, wala kong magawa. Wala akong lakas ng loob na sabihin sakanya ang totoo, ang lahat. Natatakot ako sa pwedeng mangyari.
Gusto kong ipaalala sakanya yung mga masasayang nangyari samin noon para maalala niya ko. Kahit ako nahihirapan maintindihan ang sarili ko kung bakit hinayaan ko na lang na mangyari yung kanina eh. Ni hindi ko manlang nasabi na ako yung taong mahal niya noon.
Pero siguro nga, ang lahat ng nangyari noon ay tapos na, nakalipas na. Iba ang noon sa ngayon. Hindi ko na mababago pa yun.
But a part of me saying, 'Hindi mo ba siya ipaglalaban?'
Siguro kahit masakit, kailangan ko na lang tanggapin lahat ng ito. Ilang taon din akong naghintay sa pagbabalik niya, at ngayong bumalik na siya dapat maging masaya na ako. Gusto ko na ring bumalik sa dating ako eh, yung palaging masaya, at matatag ang loob.
"Sab, dinner tayo?" pagyaya sakin ni Denver
"Huh? saan naman? hmm, himala yata? ngayon mo lang ako niyaya ah!" usually kasi sapilitan ko siyang niyayaya para lang ilibre ako ng dinner.
"Ayaw mo yata eh? Sayang, libre ko pa naman" sabi niya sabay talikod.
Libre? tama ba ang narinig ko?
"Ay teka sandali, ayusin ko lang 'tong mga gamit ko. Sandali lang... eto na, eto na talaga" at nang matapos na ako "Tara na dali! san ba tayo kakain?"
I heard him smirked.
"Basta talaga libre hindi mo uurungan no?" he said.
"Oo naman no! di ka pa nasanay" I grinned.
Hindi na siya sumagot, naglakad na kami hanggang sa makapasok sa elevator.
"Sab, okay ka lang ba?"
"Huh? oo naman, bakit?"
He smiled at me, at saktong pagbukas ng elevator, hinawakan niya ang kamay ko.
"Isipin mo na lang na walang nangyari kanina. Let's go?"
I nodded.
Pumunta na kami sa may parking lot, at pagkatapos sumakay sa car ni Denver.
"Den, medyo luma na rin 'tong car mo. Palitan mo na kaya, madami ka nang pera diba?" biro ko
"Hindi pwede, mahalaga sakin 'to"
Oo nga pala, bigay sakanya ito ng papa niyang namayapa na. Sobrang iniingatan niya 'to, ni ayaw pa nga niyang padapuan sa langaw eh. Kembot lang, basta alagang alaga niya ang sasakyan na to.
Hanggang sa makarating kami sa isang restaurant, yung pang mga sosyal.
"Hmm, bakit dito? hindi ba tayo magdidinner dun sa dati nating kinakainan?" I asked
"Mas maganda dito. Isa pa, gusto ko ding maging special ang gabi na 'to" he said.
Pinisil pisil ko ang pisngi niya.
"Asuuus! ikaw talaga, sweet ka din pala minsan no?"
"Masakit yung ginawa mo ah! ikaw na nga 'tong ililibre, mananakit ka pa"
"Natutuwa lang ako sayo! tara na nga sa loob, kumakalam na din bodega ko eh"
Sabay kaming pumasok. May sumalubong naman sa amin, isa yata sa mga waiters dito.
BINABASA MO ANG
You're The Only Love I Know
RomanceAno ba ang mas masakit? Ang malaman mong kinalimutan ka na niya o ang makalimutan ka niya? Wala akong maisagot sa tuwing may magtatanong sakin nyan. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko wala akong maisasagot. Ayokong malaman dahil ayokong masa...