Cyrus's POV
This picture makes me smile whenever I'm sad. Makes me strong when I'm down. And gives me the courage to continue what I am doing now.
Ito na lang ang natitira sakin, kaya kahit kanino hindi ko 'to ipinapakita sakanila. Dito na lang ako kumukuha ng lakas para ipagpatuloy ang nasimulan ko. And I know in the end, magiging maayos din ang lahat. Sana, sana nga...
"Sir, madami na pong bisita sa labas. Naghihintay na rin po ang mga media" sabi ni Sabrina na kakapasok lang dito sa dressing room.
"Okay" I answered
Ngayon gaganapin ang launching para sa new product ng Nickson Corp. Ilalabas na rin 'to sa mga malls ng kompanya at sa iba't ibang malls sa bansa.
Sa ngayon tinatawagan ko si Hazel, kanina ko pa siya kinokontak pero hindi siya sumasagot. Kailangan ko siya ngayong gabi.
"Please hazel answer your phone"
After two more rings sinagot na niya ang tawag ko.
"Hazel, where are you? kanina pa kita hinihintay dito. Magsisimula na ang launching, I need you"
"Cyrus I'm sorry, hindi ako makakapunta. Si papa kasi eh, may pinagawa sakin kailangan kong tapusin ngayon"
"Pero kailangan kita para sa finale ng show, gusto ko tayong dalawa ang nandun"
"I'm sorry talaga Cy, actually kanina pa nga akong busy eh ngayon lang ako nakahanap ng oras para sagutin ang tawag mo"
"But--"
"Alam ko na! Nandyan ba si Cassandra?"
"Si Sabrina? oo nandito siya, what about her?"
"Si Cassandra na lang muna ang partner mo para sa show mamaya, para hindi ka na maghanap ng iba" masaya niyang sinabi.
"Hazel..."
"Wag ka nang kumontra Cy, kung wala lang talaga akong kailangang gawin ngayon kanina pa akong nandyan. Sige na Cy, si Cassandra na kunin mo ha? wag ka nang umangal. Sige na ibababa ko na 'to I need to go. Byeee goodluck to your launching!"
And then she ended the call.
Sigh, may magagawa pa ba ako?
"Kristele, hanapin mo si Sabrina sa labas, ayusan mo, pagandahin mo, gawin mo lahat" sabi ko dun sa isa sa mga make up artist.
"Yes sir"
~~
Sabrina's POV
"T-teka sandali! bakit mo ako inaayusan? para san? Okay na ko sa itsura ko" sabi ko dun sa make up artist
"Umupo ka na lang diyan, napag-utusan lang ako"
"Sino namang nag utos sayo?"
"Si sir Cyrus. Hair mo muna ang aayusin ko okay?" sabi niya atsaka nagsimulang guluhin, este ayusin ang hair ko.
Si sir Cyrus? bakit? para san? okay naman itsura ko ngayon ah? Mukha naman akong tao ngayon, bakit kailangan pang ayusan?
At ilang saglit lang, tapos na ang hair at make up ko. Pag harap ko sa salamin napalunok ako, mas nagmukha akong tao ngayon kaysa kanina.
Yung hair ko medyo naka curl tapos yung make up ko naman, black eye shadows, light blush on, and light pink lipstick lang din. Simple lang ang dating pero parang ang bongga.
"Oh eto" sabi nung make up artist, habang binibigay yung isang black dress.
"Para san 'to?" I asked.
BINABASA MO ANG
You're The Only Love I Know
RomanceAno ba ang mas masakit? Ang malaman mong kinalimutan ka na niya o ang makalimutan ka niya? Wala akong maisagot sa tuwing may magtatanong sakin nyan. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko wala akong maisasagot. Ayokong malaman dahil ayokong masa...