Chapter 7

10 0 0
                                    

Sabrina's POV

"Sabby, huy Sabby? gumising ka dyan, parating na si sir Cyrus, baka maabutan kang natutulog diyan"

"Hmm? mamaya na, inaantok pa ako eh" sagot ko habang nakapikit pa rin.

"Nako, Denver! halika nga dito, ikaw gumising kay Sabby dali!"

Ilang saglit lang, naramdaman kong may umalog alog sakin.

"Sabrina gumising ka na" rinig kong boses ni Denver

Iminulat ko ang mga mata ko, saka binigyan siya ng masamang tingin.

"Inaantok pa ko Den eh, mamaya na. 5 minutes, bigyan mo ako ng 5 minutes" sabi ko atsaka tumungo ulit sa table ko.

"Hindi pwede" he said, at ilang saglit lang ay nakarinig ako ng isang napakalakas na,

*KRIIIIIIINNNNGGGGGGG!!!*

sa tapat ng tenga ko,

"A-ano ba yan, ang sakit sa tenga?!" sigaw ko

"Magaling na pang gising itong cellphone ko. Ito ang gamit kong pang alarm sa umaga" sabi ni Den

"Eh Sabby, bakit ba kasi parang puyat ka? tapos ang aga mo pang pumasok" tanong ni Gellie

"Tss, hindi lang ako puyat, puyat na puyat" sabi ko habang nag-uunat

"Anong oras ka ba umuwi kagabi?" seryosong tanong ni Denver "Bakit hindi ka nagtext sakin?" dagdag pa niya

"Hmm, siguro past 1:00 am na ata? Sorry, di na ako nakapagtext kasi nalowbat yung phone ko"

"Lowbat? bakit di ka manlang nagcharge? Sandali, bakit late ka na nakauwi?"

"Kasi, pagkatapos kong puntahan yung inutos sakin ni sir eh pinabalik niya pa ako dito..."

*flashback*

Hala anong oras na ba? makakahabol pa ko sa time limit na binigay niya. Buti na lang napuntahan ko na lahat. Nahirapan pa ako dun sa agency, ang arte! ang daming demand -__- Pero syempre in the end napapayag ko sila.

Papasok na ako sa building,

"Hi manong!" bati ko sa gwardiya namin.

"Oh, bakit nandito ka pa? diba kanina pa out mo?" tanong niya

"Mahabang kwento po, sige po akyat na ako!"

8:45 pm na, may 15 minutes pa ako. Dali dali akong pumasok sa elevator. At paglabas ko dumeretso agad ako sa office ni sir Cyrus.

Oo, sir Cyrus na ng itatawag ko sakanya simula ngayon. Yun naman talaga ang dapat eh, wala ng iba pa.

Wala ng katok katok, pumasok na agad ako at pagdating ko, walang tao. Bakit wala siya dito? Wag niyang sabihing umuwi na siya?!

"Akala ko hindi ka na aabot sa oras na binigay ko sayo"

Napalingon naman ako sa narinig ko, nawala naman yung kaba ko nang makita siya.

Well akala ko rin wala ka na...

"Okay na po sir, Cyrus" sabi ko

Sumandal siya sa may table side niye.

"So anong nangyari?"

"Nagawa ko po lahat. Base dun sa details na binigay niyo, kumuha po ako ng 10 male models and 15 female models. Lahat po sila pinili ko base din po sa description na nasa folder. Yung mga media naman po, okay na rin po"

You're The Only Love I KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon