Sabrina's POV
*RIIIIIINNNGGGG RIIINNNGGG*
Biglang nag-ring yung telephone kaya agad ko naman itong sinagot,
"Pumunta ka dito, ngayon na" boses ni sir Cyrus
"Opo..." I answered, binaba ko na ang telephone at saka nagmadaling pumunta sa office niya.
Pagkapasok ko sa office niya,
"Anong oras ng out mo?" bungad niya sakin habang tinitignan yung mga papeles na hawak niya.
"Ah mamayang 8:00 pm po" sagot ko
"Bakit parang masyadong maaga yata?" this time nakatingin na siya sakin,
"Huh? ah kasi po--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng putulin niya ko,
"Babaguhin ko ang oras ng out mo, simula bukas 9:00 pm na ang out mo"
Magre-react na sana ako kaso nagsalita na naman siya -__-
"But for now makakauwi ka na..."
"Talaga sir?!" excited kong tinanong.
Medyo natuwa ako, syempre maaga akong makakauwi ngayon.
"Oo. Pero," may inilagay siya sa table na tatlong clearbook "gusto kong ayusin mo 'to. Paki-arrange lahat ng nasa loob nito from A-Z. Tomorrow morning I need it. Pumasok ka ng maaga okay?" he said.
So... kaya niya pala ako papauwiin ng maaga para gawin 'to? -__- At hindi lang basta clearbook ito, ang kapal grabe! ano bang meron dyan?
"Okay po sir" I answered. Kinuha ko yung tatlong clearbook na halos 1 inch ang kapal.
"Makakaalis ka na..."
"Teka sir, anong oras po ako papasok?" tanong ko
"Same time nung unang beses tayong magkakilala"
Ano daw?
"Sige na, makakalabas ka na" he said.
Kahit na hindi ko naintindihan yung sinabi niya, lumabas na lang ako. Bahala na nga...
Saktong 7:00 pm nakauwi na ako sa bahay. Nagpaalam rin ako kay Den kanina bago ako umuwi. Sinabi ko rin na maaga ko pinauwi dahil may pinapagawa sakin si sir Cyrus.
Pagdating ko sa bahay, syempre agad akong humilata sa aking malambot na kama, magpapahinga muna ako. Mamaya ko na lang gagawin yung iniutos sakin ni sir, madami pa naman akong oras.
Pagkatapos kong magpahinga, naligo ako para ma-refresh. Lumabas ako ng kwarto ko para kumain at saktong pagbaba ko naabutan kong kumakain sila mama.
"Sabrina anak, kain na" sabi ni mama
"Hmmm, ang bango ng ulam ah?! anong niluto mo ma?"
"Adobo 'nak, halika na dito't kumain ka na"
"Kaya pala amoy pa lang ulam na!" tuwang tuwa kong sinabi, tumabi ako kay mama at sabay kaming kumain.
Ako lang ang nag iisang anak nina mama at papa. Ewan ko nga kung bakit hindi nila ako sinundan eh, basta ang sabi lang nila sakin, 'ikaw lang sapat na' hehe, medyo jejemon diba? Si mama housewife lang, si papa naman nagtatrabaho din sa isang kompanya. Pamilya kami ng masasayahing tao, pero ako lang yata yung medyo naiba. Masayahin din naman ako pero medyo iyakin din kung minsan lalo na kapag tungkol kay... alam niyo na.
"Si papa po? hindi pa ba nakakauwi?" tanong ko.
"Hindi pa eh, tumawag sakin kanina mag-o-overtime daw siya ngayon. Ikaw? bakit ang aga mo yata umuwi?"
BINABASA MO ANG
You're The Only Love I Know
RomanceAno ba ang mas masakit? Ang malaman mong kinalimutan ka na niya o ang makalimutan ka niya? Wala akong maisagot sa tuwing may magtatanong sakin nyan. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko wala akong maisasagot. Ayokong malaman dahil ayokong masa...