Chapter 11

9 1 0
                                    

Sabrina's POV

"Ano yan?" tanong ni Gellie

"Huh?" pagtataka ko.

May inilapag siyang newspaper sa table ko, agad ko naman itong tinignan at binasa.

Headline: The lovely couple of Nickson Corporation...

"Kailan mo pa naging boyfriend si sir Cyrus?" she asked.

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko. B-bakit nasa dyaryo 'to?!

"Hi-hindi totoo yan!" sagot ko.

"Eh kung ganun, ano yung nakasulat dyan?"

"Anong nakasulat dyan?" tanong ni Den, mukhang narinig niya yata ang pinag-uusapan namin ni Gellie. Kinuha ko yung newspaper, hindi niya pwedeng makita 'to siguradong magagalit siya.

"Ano ba yan?" he asked.

"Ha? wala, wala hehe"

"Ah, si Sabby kasi--" pinanlakihan ko ng mata si Gellie, "Ay sige, dun na muna ako sa table ko ha..."

Binigyan ko ng isang malaking ngiti si Denver,

"Wag mo akong daanin sa mga ngiti mong yan. Ano ba kasi yan?" he said.

"Wala 'to, promise"

"Ah, okay..."

Gumaan ang pakiramdam ko nang tumalikod na siya, hoooh, buti naman...

"Akin na yan!"

"Hala uy! wag mong tignan yan!" sigaw ko sakanya, hinablot niya lang naman yung dyaryong hawak ko.

Pilit kong kinukuha yung newspaper sakanya, kaso itinataas niya yung kamay niya para hindi ko maabot. Mautak talaga! porket mas matangkad siya sakin -__-

"Akin na Den!"

"Ano ba kasing meron dito? bakit ayaw mong ipakita?"

"Eeehhh basta! akin na please" pagmamakaawa ko.

Hmm, alam ko na!

Bumalik ako sa table ko, kunwari galit galitan ako. Sana effective *_*

"Sige sayo na, saksak mo sa baga mo!"

"Galit ka na niyan?"

"Di sige, basahin mo na. Bahala ka dyan"

"Ahhh, edi sige babasahin ko na" he said.

Hindi effective yung drama ko?

"Akin na yan! wag mo nang basahin!" and again sinubukan kong kunin yung dyaryo.

"The lovely couple of Nickson Corporation..."

Paktay, nabasa na niya >_<

"Den... wala akong kinalaman dyan" dahan dahan kong sinabi.

Hindi siya nagsasalita, mukhang galit na yata? Wala naman talaga akong kinalaman dyan eh.

"Alam ko..." he said.

"Huh? naniniwala ka sakin?" I asked.

Inilapag niya sa table ko yung newspaper atsaka siya bumalik sa table niya.

"Huy Den? hindi ka ba galit sakin huh?"

"Hindi"

"Sigurado ka?"

You're The Only Love I KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon