Aminado si Ellah na wala siyang ginawang masama ngunit bakit tila hindi siya magawang tantanan ng problema? Bakit kailangang mamatay ng mga mahal niya sa buhay at saktan ang mga tumutulong sa kanya? Bakit pinapahirapan siya ng isang taong ni hindi niya kilala? Kahit gaano pa niya gustong malaman ang katotohanan, ang tanging magagawa niya lamang ay tumakbo at lumayo, iyon ay kung ayaw niyang madamay pati ang mga kaibigan niya. Ngunit sa kanyang bagong tinitirhan, makakaya niya bang maiwasan ang mga taong gustong makipaglapit sa kanya? O baka ang pag-apak sa isang panibagong bayan ang isa lamang sa gustong mangyari ng kanyang kalaban? (Part I of Trilogy) Completed: 2020 Edited: 2021 @Completed