Kapag mahina ka, binibigyan mo ang mga tao ng kapangyarihan na talunin ka. Gano'n si Shanelle Ramirez. Walang laban, uto-uto, at mas tinitingnan ang natitirang busilak sa gitna ng mga masasamang budhi. Kaya noong ipinaunlakan siya ng pagkakaibigan nina Dawn, Kylie, Aura, at Linda, ang apat na prominenteng babae na tinitingalaan ng lahat, parang dumating sa kanya ang mga anghel mula sa langit at binigyan siya ng grasya --- iyon ang paniniwala niya. Shanelle was not the kind of girl who fights back to the ones that hurt her. Instead, she thinks that people are just like that. May iba nasobraan sa kasamaan; may iba na gusto lang manakit para hangaan. At dahil hindi siya gano'n, hindi niya na lang pinapatulan. Pero isang gabi ng lagim, nagbago ang pananaw niya. Isang gabi ng pagtatraydor, umanib sa kanya ang kasamaang palagi niyang iniiwasan. Isang gabi, sa kanyang muntikan nang kamatayan, tumulak sa kanya ang mabuhay muli para pagbayaran ang mga taong umusig at nanloko sa kanya. The past cannot be undone, but it can change people completely. Especially if they choose vengeance to make things right. Shanelle Ramirez was one of them who used a mask to play her targets and inflict misery to them.