Napagbintangan na nagdudruga ang pinsan ni Martha Delucia sa syudad kaya ipinadala ito sa kanilang nayon. Isang linggo pa lamang namamalagi ang pinsan nitong si Mario Sieraullo, may bagong dumating naman na lalaki sa kanilang nayon na nagngangalang Vince Claude Da Vinci. Nagpakilala itong agriculturist at layuning tulungan ang mga tao sa tamang pag-aalaga ng mga gulay. Pero sa kalooban ni Martha Delucia, may ibang hangarin ang lalaki sa kanilang nayon. Ngunit paano niya malalaman kung sa bawat titig ng lalaki sa kanya ay nalulunod siya pati ang puso niya. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana at dumating ang araw na natuklasan niya ang buong pagkatao ng lalaki. Makakaya ba ni Martha Delucia na protektahan ang kanyang pinsan kung ang sarili niya mismo ay hindi niya kayang isalba mula sa pag-ibig niya kay Vince Claude Da Vinci na isa palang.......