Paano kung ang babaeng mahirap ay umampon ng pulubi na biglang naging... PRINSIPE!? ----------- ----------- ----------- Habang ako'y naglalakad sa kalsada nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng madumi at lumang damit, hawak-hawak ang lata at nanghihingi ng barya... teka- anong nangyari sa mundo ba't ganito kagwapo ang pulubing to???? Hindi ko maintindihan kung bakit ko binigay ang tinapay na kakabili ko lang kay Aling Martha. Siguro sa awa, hindi naman sa kagwapohan ano?? Nakauwi na ako sa bahay at nakapagluto ng Pancit Canton ng biglang may kumatok sa pintuan. Sobrang kaba ang naramdaman ko... Sino naman ang kakatok sa pinto ng hating gabi!? Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at nagulat ako sa aking nakita... "Oh my gosh!!"