Unahin mo munang mahalin ang sarili mo bago ka tuluyang magmahal ng iba. At mas lalo mo pang mahalin ang sarili mo kung pakiramdam mo walang nagmamahal sa iyo, o kung pakiramdam mo nag-iisa ka nalang sa mundo. Dahil dumarating talaga sa buhay natin na kailangan muna nating mahalin ang sarili natin bago nating mapatunayan na kaya na nating magmahal ng ibang tao. Sabi nga nila, "You cannot give what you do not have." Dahil paano natin masasabing mahal natin ang isang tao kung ang sa sarili nga natin hindi natin maibigay ang pagmamahal na dapat ay para sa sarili natin.