Disente, matalino at mapagmahal. Gagawin ang lahat para sa taong minamahal. Iyan si Laura. Ang babaeng umibig sa lalaking hiwalay sa asawa at may fifteen years na tanda sa kaniya. Bukod sa hiwalay sa asawa, may tatlo itong anak, na siya ang sinisisi kung bakit hindi buo ang pamilya nila. Hanggang saan niya kayang tiisin at tanggapin ang lahat? Kung ang mga taong nakapalibot sa kanila ay tutol sa relasyon nila ni Jules? Paano niya ipaglalaban ito kung ang mga taong mahal niya ay hindi siya kayang suportahan para dito?