Anim na taon ng nangungulila si Francesca sa matalik na kaibigan at kababatang si Joaquin, simula noong lumipad ito patungong Paris upang mag-aral doon. Taong 1878 ng umalis ang binata sa Pilipinas, subalit 1884 na'y hindi pa rin ito nagpaparamdam ni isang liham sa dalaga. Sa nagdaang anim na taon ay nagbago rin ang ugali ng dalaga, kabaligtaran ng isang Binibining Pilipina. Subalit ang puso niya'y hindi nagbago, hanggang isang araw ay nagising na lamang siya sa isang kasunduan. Siya'y ipagkakasundo sa isang pobre, at sa pagbabalik ng bansa ng kaniyang kaibigan ay isa pang kasunduan ang ipapasalubong nito sa kaniya. Saan nga ba ilalagay ni Francesca ang puso niya? Sa isang pobre o sa isang matalik na kaibigang tan'yag ang ngalan sa Paris? 1866: Francesca De Lugo Petsa ng pagsisimula: Pebrero 16, 2022 Petsa ng katapusan: Agosto 01, 2022