Hopia D. Nilamas, isang baker at may-ari ng isang kilalang bakery sa lungsod. Simple at maganda, ngunit habulin siya ng mga lalaking kargador sa palengke. Kilalang ligawin ng mga kalalakihan sa baranggay nila dahil sa taglay niyang ganda. She wanted to have a boyfriend but no one can reach her standards. Not until, she met the most handsome chic she ever seen in her life, buying her best selling Pandesosyal. A wealthy successor of Fajardo Hotel and Restaurant, Buttons and Bread and Fajardo's Platinum Jewels, introducing, Chef Xavier Atlas Fajardo. A flirt yet handsome chef na maginoo na medyo bastos na ang paborito ay ang Pandesosyal ni Hopia. Xavier loved Hopia's bread so much. Na kahit na chef rin siya at may-ari ng isang Bread Producing Company, tinapay pa rin ni Hopia ang uuwian niya. Ngunit paano kung makilala niya ang gumagawa ng paborito niyang tinapay? Paano kung isang araw ay magising siya at hindi lang tinapay ang gusto niya? Paano kung pati ang gumawa nito ay mahal na pala niya? Can Hopia resist the deceiving charms and handsomeness of Xavier? Kaya ba niyang labanan ang kalandiang taglay ni Xavier gamit ang kalandian niya? Paano kung malaman niya na karibal niya pala ang minamahal niya? Handa ba niyang pangatawanan ang pagmamahal niya kung ayaw ng magulang ni Xavier sa kaniya? Ngunit isang sekreto ang magpapabago sa buhay ng dalawa. Isang sekreto na hahamon sa pagmamahalan nila. Mananatili ba ang pagmamahal nila sa isa't isa o tuluyan nang mapuputol ang taling nagdudugtong sa puso nila? *** Hindi lang tinapay ang huhulmahin ng kuwentong ito pati na rin ang katauhan at pagmamahalan ng dalawang tao. Started: 07/10/2022 Ended: ---