Florabelle wanted to belong to someone. Subalit parang nawawalan na siya ng pag-asa na darating pa iyon. Kung bakit ba naman kasi ang mga lalaking nagkakainteres sa kanya ay hindi niya gusto. At ang mga lalaking gusto niya ay tila hindi naman siya nakikita. Then one evening she bumped into Andy-a stranger who called her the most unusual name: "blue-eyed girl." At tulad niya, bakas din sa mga mata nito ang kalungkutan. Ilang buwan ang lumipas bago sila muling nagkita, ngunit wala ang palatandaan na naaalala pa siya nito. Hindi nagtagal ay nagkalapit ang kanilang mga damdamin at inalok siya nito ng kasal. Tinanggap niya iyon. Alang-alang sa pag-ibig niya rito. Kahit wala iyong katugon. Kahit hindi siya naniniwala na ang inaalok nito ay isang walang-kamatayang pag-ibig. Dahil pakiwari niya ay isa lamang siyang gamot na magbibigay rito ng pansamantalang lunas sa kalungkutan nito.