Siguro ganito talaga kapag tanggap mo na ang sitwasyon mo. Ganito pala kapag unti-unting tinanggal sa iyo ang pag-asa na makalaya pa. Kapag nakadarama ka ng pagkabagot, pagkalungkot o pag-iisa, hindi mo maiwasang kumapit sa iba. Kahit sa taong mismong nag-alis pa ng kalayaan mo dahil mas malala pa ang matinding depresyon kaysa sa kamatayan. Matagal na akong nakulong sa sitwasyon na ito. Mababaliw na ata ako. Gaya ngayon, kausap ko ang sarili ko. Hanggang ngayon iniisip ko kung bakit sa lahat ng tao, sa akin pa ito nangyari.. binabalikan ko pa rin iyong panahon bago nagsimula ito. Inaabangan ko pa rin na magbago ang istorya ko pero wala na nga sigurong pag-asa. Sana lamang kayanin ko pa ngang ituloy ang buhay ko dahil sa nangyayari ngayon, kapag nagwakas na ang lahat ng ito, mapupunta na rin siguro ako sa impyerno at palaging nakasunod lang sa kanya.