Mag-isa niya akong ginamot sa pilay na binigay niya sa akin. Nilalagyan niya ang kaliwang tuhod ko ng yelo araw-araw saka bebendahan para hindi ko maigalaw. Mahapdi at masakit pero nasanay na akong saktan niya. Mas maigi nang sa akin niya ito gawin kaysa mandamay ulit siya ng ibang tao.
Pagkatapos ng 2 linggo, nagpasok siya ng wheelchair.“Ilang araw na rin kitang kinulong at pinarusahan dito. Because you have been a good girl, I’ll let you out in our garden.”
Sa paglabas namin, tumama ang liwanag sa aking mga mata at naramdaman ko ang init ng kapaligiran. Sa wakas, nalasap ko ulit ang sariwang hangin at ang halik ng araw sa pagdampi niya sa aking balat. Napangiti ako. Dapat nga siguro, sundin ko na siya. Baka kasi mas bigyan niya na ako ng kalayaan, kahit konti lamang. Sawa na akong tumawag ng tulong o kausapin ang mga kunwa-kunwarian kong kaibigan na likha lamang ng isip kong nag-iisa.
“Mas maganda ka kapag nangiti, Priya.” Nasa harap ko na siya at unti-unting nilalapit ang mukha niya sa mukha ko.
“Salamat.”
Ibinulong ko pero alam kong narinig niya ito. Hinalikan niya ako sa labi at sa unang pagkakataon, hindi ko siya tinulak.
BINABASA MO ANG
Tayong Dalawa Lang
Mystery / ThrillerSiguro ganito talaga kapag tanggap mo na ang sitwasyon mo. Ganito pala kapag unti-unting tinanggal sa iyo ang pag-asa na makalaya pa. Kapag nakadarama ka ng pagkabagot, pagkalungkot o pag-iisa, hindi mo maiwasang kumapit sa iba. Kahit sa taong mismo...