Stalker, no more

34 1 0
                                    

Isang araw, mukhang maraming estudyante ang nagkakagulo sa may bagong gusali. Hindi pa ito natatapos pero mukhang konti na lang naman ang aayusin dito. Nagtaka ako at nagsimulang lumapit sa kumpol ng tao dito.

‘Hala, may mga pulis. Ano ito?’

‘Grabe naman, nakakadiri’

‘Masusuka ata ako, umalis na nga tayo.’


“LAHAT NG MGA ESTUDYANTE, LUMAYO NA KAYO RITO. HAYAAN NINYONG GAWIN NAMIN ANG TRABAHO NAMIN.”
Naka-megaphone na iyong isang pulis na nag- anunsyo.

Sinubukan ko pa ring silipin at biglang nanlambot ang tuhod ko sa nakita ko. Nakatihaya at may nakatusok na tubo sa kanyang dibdib si Emmanuel. Basag din ang ulo niya at talagang naliligo sa dugo ang buo niyang katawan. Dugo.. dugo.. dugo.. puro pula ang nakikita ko at saka biglang dumilim ang lahat.

Nagising ako at napatingin sa puting kisame.

“Okay ka na ba hija?” tanong sa’kin ng nurse. At biglang naalala ko ang mukha ni Emmanuel. Kinilabutan ako at nanginig. Napansin ito ng nurse at binalot niya ako ng kumot.

“Kukunin ko lang ang temperature mo.” Pagkatapos ay umalis na siya sa tabi ko. Naginginig pa rin ako sa takot. Pinatay ba siya? O nagpakamatay? Masyadong nakakatakot. Kaya pala ilang araw na niya akong hindi ginugulo. Maaari ngang nagpakamatay siya dahil imposibleng may kriminal na makapasok dito. Ayokong isipin na siya. Kinuha ng nurse ang temperature ko at binigyan ako ng gamot.

Sinabi niya rin na dahil sa insidenteng nangyari ay kalahating araw na lang ang pasok namin at pinauwi na ako.

Ilang araw naging balita ang pamantasan namin. Nagkaroon din kami ng misa para sa namatay na si Emmanuel. Base sa imbestigasyon daw, nagpakamatay siya sa pamamagitan ng pagtalon sa hindi pa natatapos buuin na bagong gusali. Sa taas ng pinagbagsakan niya, isama pa ang napatusok na tubo sa may dibdib niya ay talagang hindi siya mabubuhay. Nanahimik kaming lahat na estudyante. Walang taong pinag-usapan siya kahit sa facebook. Para iyon sa respeto kay Emmanuel at sa reputasyon ng paaralan.

“Are you feeling better now?” tanong sa’kin ni Prince. Nasa loob kami ngayon ng silid-aklatan.

“Oo.” Madalas natutulala ako. Naiisip ko kasi ang mukha niya. Parang may nagsasabi sa’kin na hindi talaga siya nagpakamatay. Nagsisisi din ako sa masamang pakikitungo ko sa kanya.

“Pwedeng magpunta tayo mamaya sa ‘school chapel?”.

“Oo naman.” Maikling sagot niya at saka nagpatuloy siya sa pagbabasa ng libro. Ipagdadasal ko ulit siya. Hindi kinakaya ng damdamin ko ang mga nangyayari.

Tayong Dalawa LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon