Si Emman at si Prince

34 1 0
                                    


“Teka lang naman Priya! Bakit ka ba kasi natakbo kapag papalapit na ako sa’yo?” Nahabol na naman sakin itong si taba este stalker ko.

‘Halata naman na dahil ayokong makita o makasama ka.’

Sagot ng utak ko. Sinubukan kong bilisan ang lakad. Hindi ako makatakbo dahil naka-heels ako. Bigla niyang nahawakan ang balikat ko at dito nainis na ako. “Pwede bang tigilan mo na ako?! Ang pinakakinaiinisan ko ay ang mga taong basta-bastang nahawak sa’kin!”
Kahit nanggagalaiti na ako, nilipat niya lang ang mga kamay niya sa braso ko at panay sabi ng “Sorry na Priya! Sorry na.” Nakakainis talaga itong Emman na ito. Ewan ko talaga sa kanya! Hindi makaintindi na ayokong makasama siya.

“Sabi nang…”
magsasalita pa bale ako ng dumating iyong bagong kaklase ko.

Iyong maputi, chinito at gwapo na kaklase ko pala sa bawat klase ko. Ibig sabihin, pinili niya rin ang magiging “schedule” niya.

“She told you to stop so let get of her and back off!” at saka inalis niya ang mga kamay ni Emman sa braso ko.

Medyo nabigla ako at natigilan. Pa English-english pa ito at sa palabas lang ata nangyayari ito ah! Parang natakot si taba at umatras mula samin. Saka naman niya ako hinila at naglakad na kami papalayo.

“I’m Prince Harold Stephen. Kaklase kita di ba? Anong pangalan mo?” tanong niya at hindi pa rin niya binibitawan ang kanang kamay ko.

“You can let go now. Ako si Priya Santibella.”

“Ang ganda ng pangalan mo. Bagay na bagay sa’yo.”

Pagkasabi niya noon ay binitawan na niya ako at saka ngumiti. Napangiti na rin ako sa kanya. Magaan agad ang loob ko sa kanya.

“Thanks for what you’ve done there.”

Pagkatapos ng ilang araw, naging malapit ang dalawa sa isa’t isa at sa unang pagkakataon, nakatagpo si Priya ng isang tunay na kaibigan.

Ngunit hindi nila napapansin, mga matang nakamasid at hinihintay ang pagsisisi ng lalaking mukhang umiibig sa dilag na marikit.
Nanlilisik na siya sa galit. “Akin lang si Priya. Akin lang siya.”

“Umm, may pupuntahan lang ako sandali Prince. Mauna ka na sa cafeteria. Sandali lang naman ako.” Nagpaalam muna ako kay Prince kasi ayokong sundan niya ako.

“Okay Princess.” Nakangiti pa siya ng nakakaloko saka naglakad papalayo.
Kung anu-anong alyas na ang ginagamit niya sakin ah. Nakakapagtaka lang din pero hindi ako naiinis sa kanya. Tumakbo na ako at nakarating sa paboritong taguan ko. Gaya ng dati, nandito ulit sa Sir Feren at nakaupo siya sa may hagdan.

“Long time no see, Priya. Ngayon ka lang ulit pumunta rito ah.”

Iniangat niya ang ulo niya sa binabasa niyang libro at saka niya sinabi iyon.

“Tinigilan na kasi ako ng stalker ko po eh.”

Nakangiti ko namang sagot. Tumayo na siya at ngumiti rin sa akin.

“Nangiti ka na sa’kin ngayon ah, bakit kaya?”

“Hindi naman po pala lahat ng tao dito plastic at makasarili. Sinabi niyo po sakin noon, subukan ko kayang magkaroon ng mga kaibigan. Ayun, nakakilala po ako ng nakakasundo ko po. At sinabi ko po ito para magpasalamat at sabihing isa na rin po kayo sa itinuturing ko pong kaibigan.”

“Buti naman pala kung ganoon. Masaya din akong matawag ka na kaibigan. Maganda talaga ang may kakilala sa iba’t ibang edad. Marami akong natututunan sa inyong dati kong mga estudyante.”

Parang may ibinulong pa siya pagkatapos ng huling sinabi niya. Hindi ko na gaanong narinig pa.

“Aalis na po ako. Bye Sir Feren.”

Akin ka lang Priya. Sulitin mo na ang oras mo kasama ang tukmol na iyan.

Tayong Dalawa LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon