Binisita ko si mama sa hospital. Ginagawa ko lang ito kapag sa hapon pa ang klase ko.
“Nakakatakot na sa eskwelahan ninyo Priya. Hindi kaya magandang lumipat ka na lamang anak?” tanong ni mama.
“Ma, alam niyo naman pong gusto ni Tita na doon ako magtapos. Baka pahintuin ako kapag lumipat ako at baka mapalaki pa ang gastos.”
Sagot ko at saka ko hinawakan ang kamay niya.
“Basta lagi kang mag-iingat anak.” Nginitian ko siya at saktong dumating si Prince. May dala siyang mga prutas at bulaklak. Noong isang araw, naipakilala ko si Prince kay mama. Tuwang-tuwa siya kasi ngayon lang ulit ako nagkakaibigan. Malapit din kaagad ang loob ni mama sa kanya. Mahilig magbiro si Prince o alyas Hugot King.
“Tita, alam niyo po ba kung ano ang pinakamapait po na ampalaya?” naririnig kong nahugot na naman itong mokong na ito.
“Ano?”
“Eh di ampalayain ka po.” At nagtawanan na silang dalawa. Matagal na iyang biro pero natutuwa ako na napapatawa niya nga si mama.
“Ako din meron. Umm.. anong talong ang pinakamasarap?” hirit naman ni mama.
“Tita ah, baka nakakaloko po iyan ah. Hahaha ano po?”
“Eh di talong and lasting love.” Medyo kinanta pa ni mama ang pagkakasabi niya ng sagot. Hay naku, saan ba kinukuha iyan ah? Hahaha.
“Ma, baka mahuli na po kami sa klase eh. Aalis na po kami ni Prince.”
“Sige, mag-ingat kayong dalawa. Prince, alagaan mo ang anak ko.”
“Opo naman Tita. Palagi lang akong nandito para kay Priya. Wala kaming iwanan. Paalam na po.”
Akin ka lang, Priya. Gagawin ko ang lahat, kahit ilayo pa kita sa lahat ng taong hadlang sa’tin. At magagawa ko na nga iyon dahil alam ko na ang kahinaan mo.
Nakarating kaming dalawa sa eskwelahan. Naging maayos sana ang buong araw namin kung hindi ko sana sila nakita. Naglakad na akong palayo mula sa isa naming klase.
“Hoy, Priya! Sandali lang.” Sigaw ni Prince at napansin kong sumusunod na siya sa’kin. Nang makalayo na ako, umupo ako sandali sa isa sa mga “bench” sa bulwagan.
“Bakit ka naman biglang tumakbo? We still have our next class.”
“May nakita akong ayokong makita.” Maikling sagot ko.
“Ano naman iyon? Okay ka lang ba?”
“Mapagkakatiwalaan naman kita ‘di ba?” tanong ko kay Prince. Tumango siya at tumingin sa’kin ng diretso. Dito, sinimulan kong ikinuwento ang dating malapit ko na kaibigan.
“Mayroon akong dating kaibigan, si Darisse. Sobrang lapit namin na lahat ng sikreto alam namin. Akala ko mapagkakatiwalaan ko siya pero nasira ang pagkakaibigan namin nang magkagusto kami sa iisang lalaki. Pareho naming nagustuhan si Alfred. Hindi mo kilala iyon kasi wala na siya rito..
‘Hi Priya!’
‘Alfred, ikaw pala.’ Napahawi ako ng buhok ng makita ko siya.
Lumapit siya sakin at saka ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko.
‘Priya, I just wanted to invite you to my birthday party. Sa sabado na ‘yon. Heto ang address. Sana makapunta ka.’
Tuwang-tuwa ako at ngumiti ng napagkatamis.
‘Oo naman,’
Hindi ko sinabi kay Darisse na inimbita ako ni Al. Hindi ko akalain na malalaman niya pa rin iyon kaya nagalit siya sa’kin at gumanti siya gamit ang kapatid niya. Si Kuya Jeffrey, paalis na ako sa bahay ng dumating siya. May mga sinabi siyang hindi ko maintindihan at saka..
‘Kuya Jeffrey, bakit ka po nandito?’
‘Hahaha. Gusto kita Priya. Hayaan mo nang kay Darisse na si Alfred.’
Mukhang lasing siya at unti-unting lumapit siya sakin. Natakot na ako kaya patakbo na bale ako ng hawakan niya ang braso ko. Isinalya niya ako sa sofa namin at sinimulang sirain ang damit ko.
‘Wag po Kuya! AH!’
Hinipo-hipo niya ang maselang bahagi ng katawan ko at hinahalik-halikan na niya ang leeg ko. Nagtaasan ang lahat ng balahibo ko.
Lumaban ako at nagwala. Masuwerteng nasipa ko siya sa sikmura. Tumakbo akong palabas.
Nakatakas ako sa kanya at pagdating ko sa party, nakita kong naghahalikan sina Darisse at Alfred. Hindi ko alam ang gagawin ko noon, pero simula ng mangyari ‘yon, nawalan na ako ng tiwala kahit kanino.”Pagkatapos kong magkwento, napansin kong nakakuyom na ang mga kamay ni Prince. Mukhang galit na galit siya.
“I can’t believe it. Fuck that woman and her brother. I would cut his balls for you DAMMIT!” sigaw ni Prince.
“Salamat Prince. Salamat.”
Niyapos ko siya at paulit-ulit na nagpasalamat. Salamat dahil may nakakaintindi sa’kin.
BINABASA MO ANG
Tayong Dalawa Lang
Mystery / ThrillerSiguro ganito talaga kapag tanggap mo na ang sitwasyon mo. Ganito pala kapag unti-unting tinanggal sa iyo ang pag-asa na makalaya pa. Kapag nakadarama ka ng pagkabagot, pagkalungkot o pag-iisa, hindi mo maiwasang kumapit sa iba. Kahit sa taong mismo...