“Isang taon at kalahati na rin ang lumipas ng mawala po si Priya.”
Sambit ni Prince habang tulak-tulak niya ang wheelchair ng ina ni Priya.
“Oo nga hijo. Nami-miss ko na siya.” At nagsimulang tumulo ang mga luha niya. Agad-agad kumuha si Prince ng panyo at pinunasan ang mukha ng ina ni Priya.“Huwag na po kayong umiyak Tita. Malulungkot si Priya kapag nakita ka po niya nang ganyan.”
Tila parang may tumutusok sa puso ni Prince habang sinasabi niya ito. Nami-miss niya na rin si Priya pero wala na siyang magawa pa. Ang huling kita niya sa kanya ay ang pagtakbo niya paalis ng kuwarto ng mama niya at mukhang takot na takot pa. Tinawag niya pa ito, ngunit hindi man lang lumingon si Priya. Pagkaliko niya sa isang kanto, naglahong parang bula ang dalaga. Nagtatakang bumalik noon si Prince sa hospital at napansin niya ang naiwang liham para kay Priya. Nang magising ang mama ni Priya nagpaalam agad si Prince at humingi ng saklolo sa mga pulis. Hindi agad umaksyon ang pulisya dahil wala pang 48 oras na nawawala ang babae. Nang masimulan ang imbestigasyon, napasama pa sa mga suspect ang binata pero napawalang bisa agad iyon. Lumipas ang maraming buwan, tumigil na rin ang pulisya. Hindi nila makita o masabi kung sino ang kukuha kay Priya. At sinabi na rin nila, sa tagal na nawala ang babae, maaaring nagtatago lamang siya o kaya ay patay na. Nawalan ng pag-asa ang ina ni Priya pero nakatulong ang nangyari para tumibay ang loob nito at saka nakalabas na siya ng hospital. Patuloy pa rin si Prince sa pag-aalaga sa kanya. Sa kaloob-looban ng puso ni Prince, nangangarap siya na makita si Priya. Nagsisisi siya na hindi niya man lang nasabi na mahal niya ito.
‘I’m sorry.. Wherever you are, I know I will find you someday and when that day comes, if you are amidst a nightmare, I will wake you up and tell you I love you.’
Bulong ng isip ni Prince.
“Kailangan mo ba talagang umalis, hijo?” tanong ng mama ni Priya.
“Opo Tita. Mabilis lang naman po ang isang taon. Na-miss ko na rin po ang lahat ng kapamilya ko po sa Amerika eh kaya hindi ko po ito puwedeng palampasin.”“Kung ganoon, mag-iingat ka. Parang anak na rin kita eh.” Naiyak pa rin na sambit ng mama. Niyapos ni Prince ang kanyang nanay-nanayan at saka ipinasok na siyang muli sa loob ng bahay.
------------------------
Isang magandang babae ang nakatitig lamang sa magndang tanawin ng karagatan. Kakalipat lamang nila dito pero para magbakasyon lamang. Manghang mangha siya sa tanawin. Napakaganda ng asul na langit at ng puting buhangin sa paanan niya. Nangalay na siya sa pagkakaupo kaya tumayo siya upang maglakad-lakad. Sa pagtayo niya, mapapansin ang malaking bukol sa tiyan niya. Hinipo-hipo niya ang tiyan niya saka ngumiti.
“Priya!” may tumawag sa kanya. “Feren.”“Bakit naglalalakad ka dito ng walang paalam? Baka makasama sa anak natin yan.” Medyo inis niyang sambit.
“Konting lakad lang naman ah. Pinapayagan mo na naman na akong gawin ito di ba?”
“Oo nga. Halika na nga.” At hinalikan niya ako sa labi.
“Apat na buwan na lang, lalabas na si baby.” Malambing na sabi ni Feren kay Priya. Tumango lamang siya.“Dadating ang isa sa pinakatapat kong alalay ngayon at ihahabilin muna kita. Mauuna kayong pumunta sa Amerika para sa panganganak mo at para sa kaligtasan natin. Huwag kang mag-alala honey, susunod naman agad ako.”
“Hahabol ka kaagad ha?” sambit naman ni Priya. Matutunan na niya na mahalin ang lalaking ito at dahil dito ayaw pa niyang mahiwalay sa kanya.
“Oo. Pangako yan.” Hinalikan niya ang tiyan ni Priya at saka nagngitian ang dalawa.------------------------
Sinabi ko na nga sa inyo. Akin lamang si Priya at gagawin ko ang lahat mapasaakin lang siya. Pinatay ko si Emmanuel dahil masyado na siyang nagiging istorbo sa kanya. Nagsasawa na rin akong makita ang matataba niyang mga kamay na palaging pilit na humahawak kay Priya. Nang isang araw na wala ang mga trabahador sa itinatayong bagong gusali, pinatawag at nagkunwaring may iuutos sa kanya. Nang mapaakyat ko na siya sa itaas ng gusali, sinabi kong tingnan niya ang tanawin at ilarawan niya ito sa akin. Hahaha uto-uto naman, ginawa niya ito at saka ko siya tinulak.
Narinig ko naman na ikinuwento ni Priya ang nakaraan niya kay Prince. Sa akin niya dapat sinasabi iyon pero maganda itong pagkakataon para makuha ko na rin siya. Siyempre bago ko magawa iyon ay igaganti ko na siya. Walang hiyang lalaki iyon, ako lang ang pwedeng gumalaw kay Priya. Sinundan ko ang estudyanteng si Darisse at napansin na napakadaling pasukin ang apartment nila. Inihanda ko ang isang bote ng pampatulog at hinalo ko iyon sa isang bote ng softdrinks. Nagulat pa siya ng makita ako at naloko ko siya na makikiinom lamang ako sa kanila dahil kakagaling ko lamang sa isang apartment ng kaibigan. Naniwala siya sa kasinungalingan ko at saka ko inilabas ang inumin. Saktong dumating ang kuya niya at sumama na rin sa pagkain namin. Nang makatulog na ang dalawa, saka ko sila pinatay gamit ang swiss knife ko. Dahil walang hiya ang lalaking ito, pinutol ko ang alaga niya. Ginulo ko ng kaunti ang bahay nila at saka itinago ang puro dugo kong plastic gloves at swiss knife.
Kaya kong gawin ang lahat para sa mahal ko. Ganoon ako katinding magmahal. Hindi ko hahayaang ihiwalay siya sa akin gaya ng ginawa ng aking ama sa una kong kasintahan. Hinding hindi na siya maghihirap sa piling ko. Mayaman naman ako eh. Ako na ang bahala sa amin at sa magiging anak namin. Ilalabas ko muna siya dito sa bansa. Baka kapag dito siya manganak ay matunton pa siya ng pamilya niya. Oo nga, tama ang gagawin ko. Mauuna lamang siya at saka susunod na ako. Magiging kahina-hinala kasi sa ama ko kung mapapansin niya na may kasama ako sa pagpunta ko sa Amerika.“Sir Feren, handa na po kaming umalis ni Mam.”
“Salamat John. Huwag mong sasabihin ito sa aking Ama. Siguraduhin mo ring walang makakaalam ng pag-alis ninyong dalawa. Ingatan mo ang mag-ina ko.”
“Opo Sir Feren. Iingatan ko po ang pamilya mo.”
Niyakap ko ang mahal ko at saka sinambit ang “Mahal kita. Tayong dalawa lang.” Ngumiti naman siya sakin at sumagot “Mahal din kita. Magiging tatlo na tayo.” Tumawa lang akong sandali at binitawan ko na siya.Sumakay na siya sa kotse at pinanood ko lamang ang pag-alis nito hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.
------------------------
Nakasakay na kami sa eroplano at hinintay na lamang ang pag-angat nito. “Mam, napaisip lang po ako pero paano po kayo nagkasama ni Sir?”“Nagkasama kami dahil ito ang nakatadhanang mangyari. Matindi ang pagmamahal niya sa akin na napatunayan niyang kaya niyang gawin ang lahat. Marami akong napagdaanan nang dahil sa kanya pero dito ko rin natutunan na siya ang aking kaligtasan. He is my lover. He is my saviour yet my imprisoner. Siya ang lahat ng kasamaan at kabutihan. Dahil sa lahat ng iyon, minahal ko na siya.”
Hindi niya siguro nakuha ang sinabi ko dahil kumunot ang noo niya pero biglang ngumiti din.
“Kung anuman po iyon, masaya po akong nahanap na ni Sir ang kaligayahang hinahanap niya po. Ngayon lang po ulit siya nakangiti ng tunay.” Turan ni John.Tumingin na ako sa bintana ng eroplano saka ipinikit ko na ang mga mata ko. Kahit anong mangyari, habang buhay na kaming magkakasama. Ipinadama niya sa akin kung paanong maging isang tunay na babae at ang magmahal na parang ikamamatay namin. Kami talaga ang para sa isa’t isa. Mali man ang relasyon na ito, walang makakapag-alis ng pag-ibig na ito. Susundan namin ang isa’t isa kahit mapunta man kami sa impiyerno.
‘TAYONG DALAWA LANG.’
‘MAGPAKAILANMAN.’WAKAS
BINABASA MO ANG
Tayong Dalawa Lang
Mystery / ThrillerSiguro ganito talaga kapag tanggap mo na ang sitwasyon mo. Ganito pala kapag unti-unting tinanggal sa iyo ang pag-asa na makalaya pa. Kapag nakadarama ka ng pagkabagot, pagkalungkot o pag-iisa, hindi mo maiwasang kumapit sa iba. Kahit sa taong mismo...