Pagkagising ko, nasa isang lugar na ako na di ako pamilyar at doon ko nalaman kung sino pala talaga ang tunay na kriminal. Ang tunay na mamamatay tao at ang tunay na sobrang nagmamahal sakin. Siya pala ay si Sir Feren Gonzales. Palagi ako noong nakatali at pinapakawalan niya lang pag pupunta ako ng banyo. Inalagaan niya ako ng maayos sa loob ng 2 linggo, pero pagkatapos niyon ay ginawa na niya ang mga bagay na gusto niyang gawin sakin.
Hinalikan niya ako, kinagat, sinugatan at ginamit. Sinubukan ko siyang labanan at nagmakaawa na rin na mali ang lahat ng ito pero walang nangyari kung hindi ang mga kagustuhan niya. Minarkahan niya ako nang sobrang lalim na napagtanto ko na hindi na ako makakaahon pa. Palagi niyang binabanggit na ako ay kanya at siya’y akin. Wala na raw maghahangad sa isang katulad ko kung hindi siya lamang.
Umabot ng isang taon mahigit ang subok ko na paglaban sa kanya pero pagkatapos masadlak sa napakatinding depresyon at pag-iisa, natutunan kong tanggapin ang lahat. Wala na nga akong aasahang magliligtas sakin. Siya lamang ang aking kulungan at kalayaan. Siya ang lalaking pag-aaralan kong mahalin, wag lamang mabaliw sa impyernong ito.
“Tayong dalawa lang.” Sabi niya. At sumagot naman ako
“Magpakailanman, walang iwanan.”
BINABASA MO ANG
Tayong Dalawa Lang
Mystery / ThrillerSiguro ganito talaga kapag tanggap mo na ang sitwasyon mo. Ganito pala kapag unti-unting tinanggal sa iyo ang pag-asa na makalaya pa. Kapag nakadarama ka ng pagkabagot, pagkalungkot o pag-iisa, hindi mo maiwasang kumapit sa iba. Kahit sa taong mismo...