Nanonood ako ng balita nang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ito at nakita na may text ako mula sa di ko kilalang numero. Binasa ko ito at ang sabi
‘Hi Beautiful, watch the news. Para sa’yo ang lahat ng iyan.’
Sino naman kaya ito?
Tiningnan ko ang balita at nagulat ako ng isang bagong balita ang sumalang.
“PATAY ANG DALAWANG MGAKAPATID NA NANINIRAHAN SA ISANG APARTMENT SA TONDO, MANILA. KINILALA SILANG SINA DARISSE GUZMAN AT JEFFREY GUZMAN. NAMATAY SILA DAHIL SA MARAMING SAKSAK AT PASINTABI LANG PO, ANG ILANG MASESELANG PARTE NG KATAWAN NILA ANG PINAGPUPUTOL. TINITINGNAN PA ANG MOTIBO SA PAGPATAY.”
Nanginig ang mga kamay ko. ANO? Patay na sila. Paanong?
Muling may nagtext sakin at binasa ko ito.‘Wala na sila. Para sa’yo yan Priya.’
Nagtaasan ang lahat ng balahibo ko.
‘Sino ka ba? ANONG GINAWA MO?’
‘Pinatay ko sila. Para sayo. Mahal kita Priya.’
Natakot ako sa pinagsasabi niya.Nagtatakbo ako paalis ng bahay at dumiretso sa ospital kung nasaan si mama. Palinga linga ako. Hinahanap kung sino ang maaring nagmamatyag sakin. Pinag-isipan ko rin kung sino ang may gawa nito. Iisa lang ang maaring gumawa nito. Si Prince, lahat ng nangyari, nangyari lang ng dumating siya at nang ikwento ko sina Darisse.. galit na galit siya. Natatakot na ako. Kaya ba lagi niya akong sinusundan? Siya rin ba ang pumatay kay Emmanuel?
Nakarating ako sa hospital room ni mama at napansin kong may isang liham na kasama iyong basket ng mga prutas.Hindi ako magsusumbong kung ako ay ikaw.
Baka madamay pa ang mama mo.
Mahal kita, Priya.Nanginginig na talaga ako sa takot at umiyak ng umiyak sa tabi ni mama. Tulog na tulog siya at hindi man lang nagising sa ingay ko. Narinig kong may paparating. Sinilip ko ang labas ng pinto at nakitang papalapit na siya, si Prince. Sa sobrang takot ko, iniwan ko si mama at nagtatakbong palabas ng hospital.
“Priya! Sandali!”
Nag-isip ako ng mabilis kung saan kaya ako pupunta. Takbo pa rin ako ng takbo ng makita ko ang pamilyar na kotse ni Sir Feren.
“SIR FEREN! SIR FEREN! BUKSAN NIYO PO ITO.”
Sigaw ko habang kinakatok ang kotse niya.
“Priya bakit?”
“Sir pasakay po please.”
At saka binuksan niya ang passenger’s seat para sakin. Sumakay ako agad. Umandar naman ito kaagad.“Sir, pumapatay po si Prince. Nababaliw na po siya! Pinatay niya si Emmanuel, Darisse at Jeffrey! Baka idamay niya na rin po ang mama ko.”
Naiyak na ako sa tagpong ito.
“Sigurado ka ba Priya?” nag-aalalang tanong ni Sir.
“Opo. Siya lang po ang naiisip ko pong gagawa nito. Tulungan niyo po ako Sir Feren.”
“Sige, pupunta tayo ngayon sa pulis at isusuplong ang lalaking iyon. Punasan mo muna iyang luha at sipon mo.”
Saka inabutan ako ng panyo. Tinulungan niyang punasan ang mga luha ko at sipon nang itiniin niya ang panyo sa ilong ko. Hindi na ako makahinga at nagpupumiglas ako. Naramdaman kong dumilim ang paligid at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
BINABASA MO ANG
Tayong Dalawa Lang
Mystery / ThrillerSiguro ganito talaga kapag tanggap mo na ang sitwasyon mo. Ganito pala kapag unti-unting tinanggal sa iyo ang pag-asa na makalaya pa. Kapag nakadarama ka ng pagkabagot, pagkalungkot o pag-iisa, hindi mo maiwasang kumapit sa iba. Kahit sa taong mismo...