Sa mundong kinagagalawan ni Yuna Angelika Flores namuhay siyang asa likod lang ng camera, tiga-pinta lang sa canvas, sunod-sunuran lang sa kaniyang mga magulang, girlfriend lang ni Andrew at wallflower lang sa barkada. 'Yung tipong hindi mapapansin kung wala? 'Yung okay lang kung 'di siya kasama? Pinaniwala niya ang sarili na hindi niya naman kailangan na maging bida, sentro o matutukan ng spotlight kasi okay na siyang kahit maging isang halaman lang sa sobrang laking mundo. Pero nang maramdaman niya kung pa'no maging insprasyon ng mga tula, maging subject sa musika't pagpipinta, ma-respeto ang mga gusto at opinyon sa buhay at maging sentro ng mundo para sa isang tao, para siyang nakawala sa kulungang siya mismo ang may gawa. Kaya kahit mali, kahit ikasisira ng mga tao sa pailigid niya, minahal niya si Sebastian. Ang boyfriend ng kaibigan niya. This is what they did, when they were only 18. (TW: CHEATING, SA, MENTAL ILLNESSES)