October na, medyo lumalamig na rin 'yung simoy ng hangin. Nakatambay kami ngayon sa gym, watching the boys practice basketball, volleyball kay Gwen sa isang side ng gym. Buti nga free cut sa last subject dahil 'di dumating 'yung research teacher namin.
Malapit na kasi 'yung league sa St. Valentine, kung dati every weekends lang sila mag practice ngayon every day na.
"Andito 'yung mga seniors..." bulong ni Rika sa'kin, "Rika, seniors tayo." bulong ko pabalik.
"Ay oo pala, 'di pa ako ready!" 'saka siya tumawa, pinanuod nalang namin 'yung iba pang players na mag si-datingan dito sa gym. Pati mga junior highschool papunta rin dito, try outs din kasi ata ngayon kasi graduating na kaming mga seniors.
"Ang cute nun oh..." turo ni Rika sa matangkad na lalaki na nakikipag-usap sa mga kaibigan niya, "Rika, grade 10 palang ata 'yan," pag kalma ko sakan'ya, baka kasi crush niya nanaman e.
"Underage pa rin naman ako ah!" dipensa niya 'saka tumayo, kakausapin niya siguro.
Busy si Crystal sa panunuod kay Sebastian, madami rin kasing babae from other levels kasi tryout din sa volleyball girls, buti na nga lang at malaki 'tong gym namin at 'di gaanong crowded.
Pinanuod ko nalang si Rika na lapitan 'yung grade 10 na matangkad, wala kasing ibang magawa, minsan kasi nakakahiyang panuorin 'yung bigla-biglang pag aapproach ni Rika sa iba. Pero, on the other hand, masaya rin ako. Baka kasi sa pag gan'yan niya makahanap na siya ng ibang gugustuhin at hindi na kay Paulo na masasaktan lang siya.
Mukhang naging interested 'yung mga kaibigan nung lalaki kay Rika, kaya nagsilapitan ang mga ito sa kaibigan nila nang makarating dun si Rika. After a minute, nagtatawanan na sila.
"Ibang klase talaga 'tong si Rika..." napalingon ako kay Crystal na nunuod na rin pala kay Rika. I just nodded.
Nagulat nalang ako nang papalapit na si Rika dito kasama 'yung lalaki at 'yung iba niyang friends. Crystal doesn't seem to care, pero ako kinakabahan. Ewan ko ba, medyo 'di kasi ako sanay sa strangers.
Kinurot ako bigla ni Rika nang magiwas lang ako ng tingin.
"Yuna, Crystal, this is Gabe." turo niya sa grade 10 na matangkad, "Eto naman si Mark, John at Anthony." turo niya ulit sa mga friends nito.
"Hello." sabi ko nalang, I don't want to be rude. Gan'on din ang ginawa ni Crystal.
Biglang bumulong si Rika sa'kin, "Crush ka ata nung Mark at John talk to them para ma solo ko si Gabe bilis." sabi niya sa'ka ulit ako kinurot, "Magagalit si Andrew."
"Busy 'yun, tsaka wala ka namang gagawing masama e." kumindat siya sa'kin.
Humarap 'yung Anthony kay Crystal na umirap lang. I can't do that... gusto kong hilahin si Rika pabalik sa tabi ko nang umalis sila ni Gabe.
I just awkwardly smiled sa dalawang grade 10 na nasa harap ko. Maging sila'y walang sinasabi, they're just awkwardly looking at me at pasimpleng nagtutulukan. Biglang nag abot sa'kin ng cellphone 'yung Mark.
"Uh... can we add you on facebook po?"
Pero mga kilala ko lang 'yung friends ko e... I don't even know them, how can I add them as 'friends', kahit facebook lang?
Napatitig lang ako sa phone na inaabot sa'kin. Naglibot ako ng paningin to get help, but I only met Sebastian's gaze. Salubong 'yung kilay niya habang nakatingin sa gawi namin, wala na si Anthony sa tabi ni Crystal kaya nagtaka ako kung bakit. We stared at each other for awhile nang biglang may nag block sa paningin ko.
"Hey kids, what are you doing?" ma-autoridad na sabi ni Andrew, 'saka umupo sa tabi ko at ininuman 'yung tumbler na nasa bag ko.
They recognized Andrew, kaya agad silang umalis. Dun palang ako nakahinga nang maluwag.
BINABASA MO ANG
We are only eighteen.
Teen FictionSa mundong kinagagalawan ni Yuna Angelika Flores namuhay siyang asa likod lang ng camera, tiga-pinta lang sa canvas, sunod-sunuran lang sa kaniyang mga magulang, girlfriend lang ni Andrew at wallflower lang sa barkada. 'Yung tipong hindi mapapansin...