9

186 13 0
                                    

          Wala si Andrew, Hanz, Paulo, Franz at Gwen, buong morning period... nanaman. Nung lunch time nanaman sila dumating, buti nga may dala silang pagkain e.

Nakatingin lang ako kay Andrew nang subuan niya ako ng fries. "Okay na tayo?" mahina kong tanong na nginitian niya lang.

Kumuha rin ako ng fries at isinubo sakan'ya, kahit na medyo nahihiya sa iba naming kaklase na nasa classroom kasabay naming mag lunch. Natawa naman siya sa'kin, na hindi ko alam kung bakit, pero kinain padin 'yung fries na inabot ko.

"Dapat pala lagi akong nag tatampo para lagi kang sweet." bulong niya sa'kin.

Lagi ka naman talagang nag tatampo... pero hindi ko nalang sinabi.

Natapos 'yung last period na parang normal na araw lang. Tatayo sana ako para kuhanin 'yung bag ko nang kinuha na 'yun ni Andrew. Tinignan ko sila Franz na mukhang excited din sa paguwi kaya nalungkot nanaman ako. Baka may plano nanaman sila maggala... ta's 'di nanaman ako makasama.

Nakita ko na si Manong Carlos, asa hallway palang kami. Kaya huminto ako para kuhanin 'yung bag ko kay Andrew.

"Kila Gwen lang tayo." ngiti niya. "Baka 'di ako payagan..." naalala ko nanaman 'yung galit ni Mama nang masigawan ko siya dahil gusto niyang mapalayo ako kila Gwen.

"Gwen can manage it... naipaalam ka nga niya papuntang Baguio eh." ngiti niya at hinabol sila Gwen na nauna sa'min.

Sa gitna pa sila ng hallway nag-usap kaya pinagtitinginan nanaman kami. Pero ako lang naman ang na coconscious kasi sanay na sila.

"Gwen ipaalam mo ulit si Yuna," sabi ni Andrew, ibinaling sa'kin ni Gwen 'yung tingin niya, "Nako Yuna, kung hindi lang kita love!"

Kaya andito kami ngayon at pinapanuod 'yung cellphone kong tinatawagan si Mama.

"Ma... pupunta po ako kila Gwen." mahina kong sabi nang sagutin ni Mama ang tawag. "Why?" parang ayaw ko ng ituloy na pumunta kila Gwen nang marinig ko 'yung boses niya.

Napatingin ako sakanila na naghihintay kung anong sasabihin ni Mama, "S-school work po..."

"Kausapin ko si Gwen." agad kong inabot kay Gwen 'yung phone na halata ring kabado,

"Tita, sa bahay lang po kami... may project po kasi na ano... sa... Wika, group project po kasi...."

"Okay." napatalon si Gwen sa tuwa, "Sige po Tita, salamat po." 'saka ibinalik sa'kin 'yung phone.

"Yuna Angelika, don't ever think na makakaalis ka sa bahay ni Gwen at makakapag-lakwatsa. Kasama mo si Manong Carlos." napatingin ako kay Manong Carlos na nakatayo sa harap ng car sa labas ng school.

"Opo Ma..."

Minsan naiisip ko, ang boring ng trabaho ni Manong Carlos. All he has to do is stand and wait for my classes to be over, hintayin kung tapos na kami magusap dito, bantayan 'yung bahay in case man na lalabas akong hindi nagpaalam, which never happened. I respect him... his job needs a lot of patience, kahit na ginaguard niya lang ay isang sobrang inactive na tao kagaya ko.

Asa isa kaming malaking sofa. Magkausap si Crystal at Sebastian na himala'y 'di nagaaway, si Gwen naman at Franz, nag hahanda ng pwede naming makain. Nakaakbay lang sa'kin si Andrew habang pinapanuod sila Rika, Paulo at Hanz na nag p-ps5.

"Do you want to meet my parents?" his question caught me off guard, kaya 'di agad ako nakasagot.

Napatitig lang ako sakan'ya, at mukhang na-offend siya sa lack of response ko kaya pagalit niyang tinanggal 'yung pagka-akbay niya sa'kin.

"What now? May problem nanaman? There's nothing wrong with my family! Gusto ka nilang ma-meet. Hindi ka naman nila iinsultuhin kagaya nang ginawa sa'kin ni Tita Angel."

We are only eighteen. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon