Sebastian

4 0 0
                                    

TW: SA

Sabi ni Mama mahal niya raw ako kaya dapat lahat ng galaw ko kontrolado niya.

Sabi ni Papa mahal niya raw ako kaya tanggapin ko nalang ang kamao niya para sa disiplina.

Sabi ni Crystal mahal niya raw ako kaya dapat ang buong buhay ko ay umikot lang sakan'ya.

Hindi ko alam ang ibig nilang sabihin sa pagmamahal, pero isa lang ang alam ko.

Ang pagmamahal ay hindi nakasasakal. Hindi nakalulula. Hindi pinipilit ang mga bagay na sa tingin nila'y nakabubuti. Hindi masakit.

Love is suppose to be free, feeling 'yun e, it just come and go. You just let it be.

Hindi siya mabigat tulad ng nararamdaman ko buong buhay ko.


"Ano ako? Sa aming mag trotropa ako lang 'di karoom ang girlfriend? Badtrip naman oh," napalingon ako kay Andrew nang marinig ang sinabi, halos katimbre na kasi ng boses ni Crystal.

Nangungonsensya.

Yuna seems baffled, sa aming magkakaibigan kaming dalawa ang tahimik. Kahit naman hindi kami masiyadong naguusap ay na a-acknowledge naman namin ang isa't-isa at sa tingin ko'y sapat na 'yun.

Nakikita ko ang sarili ko sakan'ya nang nag-uumpisa palang kami ni Crystal.

Walang magawa kung hindi sumunod, because we are the one who chose to compromise.

"You don't have to do things that make you uncomfortable." wika ko, hindi makatingin sakan'ya, kasi ang hipokrito ng tunog.

Pa'no ko napapayo ang bagay na maski ako ay hindi magawa?

"Hindi rin ako komportable pag galit si Andrew..." a small smile crept on my face, akong-ako.

Tumayo nalang ako at ginulo ang buhok niya, "If you keep on doing that... You'll lose yourself along the way. Based from experience lang."

Tinitigan ko si Crystal habang nagkukwento sa mga bagay-bagay na wala naman akong pakielam. Kailan ba matatapos ang issue niya kay Rosemary, Rika at sa mga babaeng idinako lang ang tingin sa'kin?

Kailan kaya matatapos 'to?

Isang buong routine nalang ang relasyon namin. Hahanap siya ng pag-aawayan, mag-aaway at magbabati. Paulit-ulit, wala nalang bago, pero hindi ko siya ma-iwan.

Siguro nga mahal ko si Crystal.

Hindi ko alam.

Pero nang unang gabi namin sa Baguio, napag-isip-isip kong mali ako.

Pagod ang buo kong katawan dahil sa byahe, naligo lang ako at nagbihis 'saka na sumalampak sa kama dito sa resthouse nila Gwen.

"Babe..." narinig ko ang bulong ni Crystal.

Hindi ko na siya kinibo dahil wala na akong energy para makipagtalo pa kung bigla nanaman siyang maka-isip ng bagay na magiging dahilan ng pag-aaway namin.

Naramdaman ko ang katawan niyang pumatong sa tiyan ko kaya napamulat ako ng tingin.

Agad niya akong sinalakay ng halik, at dahil sa gulat ay naitulak ko siya.

We are only eighteen. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon