Days passed like a wind, at pasukan nanaman.
Natapos na nga namin ni Sebastian 'yung Philosoper's stone, kaya 'di na namin nadagdagan pa 'yung lyrics sa ginagawa niyang kanta, o baka meron na pero 'di parin finalized?
Excited tuloy akong bumangon kahit 5:30am palang ng umaga.
Nadatnan ko si Papa na nagbabasa ng diyaryo habang may kape sa harapan habang si Mama nama'y may ginagawa sa laptop.
"Good morning po." sabay lang sila nag good morning, kaya kumain na ako.
Pati sa pag bihis nakangiti ako, hindi ko pa kasi nakikita sila Andrew since the Baguio trip. Nasagot ko na lahat ng chats and calls nila, pero 'di parin ako nagchecheck ng mga social media accounts kasi alam kong masasaktan lang ako pag nakikita ko pictures nila...
Sa sobrang excitement ko, wala pang tao sa classroom nang pumasok ako, lagi naman actually. Okay lang, sa'kin naman binibigay 'yung susi e. Medyo antok pa nga ako kasi alas-tres na akong natulog kagabi, pero parang nasasanay naman na 'yung katawan ko mag-antok.
Inayos ko 'yung bag kong sobrang bigat at nilabas 'yung tumbler at packed lunch. Habang ginagawa ko 'yun, narinig kong may pumasok sa classroom.
"Good morning." sabi ko, kahit 'di ko nakita kung sinong pumasok kasi nilalabas ko 'yung lunch ko sa bag, baka kasi mangamoy.
"Good morning din," napatingin na ako sa kakapasok, "Hi Sebastian!" masigla kong bati pero ginulo niya lang 'yung buhok ko at umupo sa tabi.
"Ba't ang lively mo?"
"Masama ba?" natawa lang siya sa'kin, "Hindi ka ba puyat?"
"Puyat..." sagot ko, 'saka kinuha 'yung bagong notebook. Mag papalit daw ng subject ngayong sem e.
"May classes na... baka 'di mo na kayang mag last til 2am?"
Napatingin ako sakan'ya, "Don't flatter yourself... hindi ko naman choice, 'di lang talaga ako makatulog."
"Wow, you're mean." tinignan ko siya nung sinabi niya 'yun, 'di naman siya mukhang offended, 'di ko naman siguro kailangang mag apologize?
"I was just joking, don't apologize."
"Hey, do you read minds?"
Natawa siya, "No you're just obvious."
Nag-asaran pa kami, more on inasar niya ako habang nag susulat ako ng subjects sa mga binders nang dumating si Rika. She looked at us, weirdly... which is weird. Pero tumayo parin ako at kumaway sakan'ya,
I spread my arms, and then she hugged me. Wow, I miss her. Hindi ko naman namiss si Sebastian kasi araw-araw din kami magkausap nung bakasyon at parehas hirap makatulog.
Nag-kuwento lang si Rika nung mga nangyari habang wala ako... na ayaw kong marinig, kasi naiinggit lang ako. Pero I still smiled at nag pretend na naeenjoy ko 'yung kuwento niya, she seems to enjoy reminiscing their vacation, ayaw ko namang sirain 'yun para sakan'ya.
Buti nalang at dumating na 'yung iba naming kaklase.
Nagulat ako nang biglang may nagkiss sa cheeks ko, agad akong napatingin kay Andrew na todo ngiti, "Good morning babe, I miss you."
Awkward akong ngumiti sa iba kong kaklaseng napapatingin sa'min, "I miss you too..."
"Pre, lipat ka sa kabila," sabi niya kay Sebastian 'saka ako inakbayan.
I cringed.
Napatitig ako sa No PDA sign na nakadikit sa tabi ng pintuan. Sobrang swerte namin na walang nagsusumbong sa mga kaklase ko about sa PDA namin ni Andrew, takot din kasi sila sakaniya at kila Gwen. Kung meron mang mag lakas loob, sigurado akong kahit graduation na bukas paalisin ako ni Mama sa school na 'to.
BINABASA MO ANG
We are only eighteen.
JugendliteraturSa mundong kinagagalawan ni Yuna Angelika Flores namuhay siyang asa likod lang ng camera, tiga-pinta lang sa canvas, sunod-sunuran lang sa kaniyang mga magulang, girlfriend lang ni Andrew at wallflower lang sa barkada. 'Yung tipong hindi mapapansin...