TRIGGER WARNING!
IF YOU'RE UNCOMFORTABLE WITH BED/SEX SCENES YOU CAN SKIP THOSE PARTS.
I MADE SURE THAT THE WHOLE STORY IS STILL COMPREHENSIBLE WITH OR WITHOUT THOSE PARTS.
TW: SEXUAL HARASSMENT
Tulog silang lahat, maliban sa'kin at kay Franz na nag dadrive. Naawa nga ako sakan'ya eh, nag picture lang naman ako kaya hindi ako masiyadong napagod, sila ang tagal na nag swimming.
"Franz... gusto mo ako mag drive?" tanong ko, "Baka mabangga tayo Yuna," tumawa pa siya, pero nacoconcern padin ako.
"Hindi kaba napagod? Kaya ko naman eh,"
"Mas mapapagod ako pag ipagdadrive ko pa kayo sa hospital," biro niya pa ulit.
"Hayaan mo na Yuna, kaya niya 'yan. Nakakadrive nga 'yan ng lasing eh." sabi ni Paulo sa likuran, mukhang narinig ni Franz kaya nagtaas siya ng middle finger.
Sa aming magkakaibigan si Franz and Gwen ang masasabi kong pinaka-'matured'. 'Yung tipong sila 'yung nanay at tatay ng grupo. Sobrang bagay nga nila eh, ta's bestfriends turned into lovers pa ang story nila kaya sobrang compatible at perfect talaga nila para sa isa't-isa.
If only all love stories are that perfect...
Ilang sandali pa'y nakarating nadin kami sa Baguio.
Pag labas ko palang sa van parang gusto ko ng manginig sa lamig, buti nalang naka hoodie ako. Kinuha na ni Andrew ang mga bag namin at maleta, gayun din ang ibang mga kasama.
Sabi ni Gwen ay Camp 7 ang pangalan ng lugar, hindi kalayuan sa town. Pumasok na kami sa bahay nila at 'di na na-appreciate ang lugar dahil sa sobrang pagod.
'Saka ko lang naalala na sa isang room lang pala kami ni Andrew.
Tinulungan ko na siyang buhatin 'yung isang bag, tinuro sa'min ni Gwen 'yung mga room namin, nag-ayos lang kami ng gamit 'saka lumabas ulit. 10pm nang bumalik kami sa dining area para kumain.
"Lamig pala talaga rito sa Baguio 'no?" Sabi ni Hanz,
"Nalalamigan ka pala e dapat 'di kana sumama," sabat naman ni Rika. Sasagot pa sana si Hanz nang dumating na si Gwen dala ang isang malaking bowl.
"Oh ramen, 'yan lang nakita ko eh."
May eggs naman na side dish at kanin, kumuha na ako ng siyam na plato at kutsara dahil busy silang mag bangayan.
"Wife material talaga 'tong bebe Yuna ko... Yuna pakasalan mo 'ko!!" Sigaw ni Rika na tinawanan ko lang,
"Hoy akin 'yan!" singit ni Andrew kaya inirapan siya ni Rika.
Mabilis silang kumuha ng pagkain dahil sa pinaghalong gutom at pagod, naubos nga nila 'yung mga inihanda ni Gwen at Franz e. Sinulit ba naman 'yung pool at adventure sa Pugad.
"Ang anghang!" Sigaw ni Crystal kaya agad tumayo si Tristan para kumuha ng tubig.
"Oo nga ang anhang, may sama kaba ng loob sa'min Gwen?!" Tanong ni Paulo at pabirong tumayo pa at nag dabog,
"Oo may galit ako sa'yo, kung may lason lang dito baka 'yun na pinakain ko sa'yo." Umaktong parang nasasaktan pa si Paulo, kaya binato siya ng kamatis ni Gwen na hindi ko alam kung sa'n niya nakuha.
Pinicturan ko silang nagkakatuwaan...
Pag masaya kasi 'yung tao para silang nag raradiate ng rays of colors, sa mata at ngiti nila. Kaya out of the blue ako kung kuhanan sila ng picture, 'yung candid lang. Kasi dun mo makukuha 'yung totoong ngiti, and it would be such a shame pag 'di ko macapture 'tong moment na 'to, 'yung mga kaibigan kong kahit mukhang drain na sa pagod pero naeenergize parin 'yung paligid.
BINABASA MO ANG
We are only eighteen.
Teen FictionSa mundong kinagagalawan ni Yuna Angelika Flores namuhay siyang asa likod lang ng camera, tiga-pinta lang sa canvas, sunod-sunuran lang sa kaniyang mga magulang, girlfriend lang ni Andrew at wallflower lang sa barkada. 'Yung tipong hindi mapapansin...