Nakarinig ako ng busina galing sa labas kaya agad akong dumungaw sa bintana ng kuwarto ko. Nakita ko 'yung black na auto ni Sebastian kaya mas lalo akong kinabahan.
What is he planning to do?
Sinarado ko nalang ulit 'yung bintana, tinitext padin siya na 'wag niya ng ituloy 'yung iniisip niya, but he seem so busy na hindi na niya nireplyan 'yung mga texts ko. I'm just hoping na sana tulog na sila Mama... o baka nagaaway sila ngayon.
Ilang sandali lang nang may marinig akong pagkatok sa may closet ko, kaya napatalon ako mula sa pagkakaupo sa kama. Dahan-dahan akong lumapit do'n at binuksan 'yung cabinet, pero walang tao. Sa pangalawang pagkatok nalaman ko na kung sa'n galing.
Tinanggal ko 'yung mga damit na nasa floor nung closet, may maliit na hawakan dun.
May kumatok nanaman galing do'n kaya hinila ko 'yung handle.
At iniluwa n'on si Sebastian.
Kung nagmumura lang ako kanina pa ako napamura...
"What? How?" nagtataka kong tanong, 'di na maka-form ng comprehensible na sentence, dahil aligaga.
"Bahay nga namin 'to dati. My parents are pretty strict, kaya kailangan ko 'to noon. Nakakatawa nga wala paring nakakadiscover." proud niyang sabi, tinulungan ko na siyang maka-akyat mula sa pinanggalingan niya sa ilalim ng closet.
Kaya pala he look shocked nung hinatid niya ako nun para kunin 'yung flashdrive ko.
"Ikaw mismo nag gawa niyan?"
"Hindi 'no, may may-ari rin kasi nitong bahay bago kami ta's nung nirenovate natapat sa closet ng kuwarto ko 'yung emergency exit. Na asa closet na ng kuwarto mo ngayon." nakakunot padin ang noo ko sakan'ya,
"Sa lagayan niyo ng cleaning materials 'yung labasan if you'll just look closely may maliit na handle rin sa roof katulad nung asa closet mo." Tinanguan ko nalang siya, as if everything made sense, kahit lito parin ako.
He sat on my study table, hindi na ako umiiyak sinisinok nalang kaunti, na-occupy kasi ni Sebastian at kung anong gagawin niya pag nagpunta siya rito 'yung utak ko.
I can't believe he's really here.
"What happened?"
Ayan nanaman.
Sebastian, and his questions.
Para tuloy nag flashback sa utak ko 'yung nangyari 2 years ago. When ate kneeled just for me to not say anything to our parents.
Nung sinabi niya sa'kin na buntis siya at classmate niya 'yung ama, and how scared she was na baka paghiwalayin sila, but in the end hindi rin pinanagutan nung lalaki.
I suddelny remembered how anxious she felt.
How sure she was when she said that the only solution to her problems were to leave us alone in this hell hole.
How tired she was with all things she have to put up with just to satisfy our parents.
It went back.
Na parang kahapon lang nangyari.
Kaya ito, umiiyak nanaman ako.
Agad na lumapit sa'kin si Sebastian na may dalang tissue, and offered the most absurd idea,
"Want to go to tagaytay?" napataas ako nang tingin sakan'ya, "Ha? M-may pasok bukas?"
"So what? It's only a 1 to 2 hour drive, and it's only 8:10pm." sabi niya habang nakatingin pa sakan'yang relo.
BINABASA MO ANG
We are only eighteen.
Teen FictionSa mundong kinagagalawan ni Yuna Angelika Flores namuhay siyang asa likod lang ng camera, tiga-pinta lang sa canvas, sunod-sunuran lang sa kaniyang mga magulang, girlfriend lang ni Andrew at wallflower lang sa barkada. 'Yung tipong hindi mapapansin...