Yuna Angelika L. Flores,
Sabi ni ate Angelina, pag may tao kang hinayaang makapasok nang buong-buo sa buhay mo, 'di maiiwasang macompromise ang mga paniniwala at wisyo mo sa buhay.
'Yung tipong bawat desisyon mo kailangang kabilang sila.
Sa lahat ng gagawin mo kailangang and'yan sila.
Para sa'kin ang taong 'yun ay si Andew.
We have been together for 2 years now, at masasabi kong naging parte na nga siya ng mga desisyon at wisyo ko buhay.
From the simplest thing like,
'ano masasabi ni Andrew sa suot ko?'
to,
'nako magagalit si Andrew pag ginawa ko 'to'
and so on.
I don't know how this compromised my beliefs, and my way of living pero I think tama si ate.
We are set to meet here sa starbucks at 10am so we can go to Gwen's place at 11am.
2 years ago when Andrew and I were not together yet, I hate being late. Pero nung tumagal na kami ni Andrew being 'late' became a common 'practice' na. Once, I confronted him about it but he said, 'filipino time'. 'Yun na ang iniisip ko whenever we meet so dumating ako sa starbucks ng mga 10:15am.
Inaya kami ni Gwen sa resthouse nila sa Baguio for a week, basically throughout our sembreak ngayong september.
Hindi ko nga alam kung pa'no naconvince nila Gwen sila Mama at Papa na payagan akong mag out of town at umalis sa St. Valentine ng walang guard. Iniisip ko nga nahihiya lang siguro sila sa father ni Gwen na Mayor ng St. Valentine at sa family nito na naging kliyente na ng law firm namin.
10:30am na nang dumating si Andrew. I want to be angry, but what's the point? Late rin naman ako, at ayaw kong nag-aaway kami.
Feeling ko kasi pag nagagalit siya nakakalimutan niyang mahal niya ako, so I do everything just for Andrew to not be angry.
Kumuha na kami ng lunch sa McDo at dumiretso sa bahay nila Gwen.
Halos mag-12am na nung makarating kami dahil sa traffic, ta's hirap pang mag drive si Andrew kasi kaka-18 niya palang at kakakuha ng license, normally sa village lang siya nag dadrive na wala namang ibang sasakyan.
May nakalabas ng van na malamang ay ang sasakyan namin papuntang Baguio. Kaya pinark na ni Andrew 'yung car niya sa tabi ng tatlo pang kotse rito sa garahe nila Gwen. Mukhang narinig naman ni Gwen ang engine kaya sinalubong niya kami sa baba.
"Yunaaaa, Andrew!"
Niyakap ako ni Gwen na niyakap ko rin pabalik. Iginiya niya na kami papasok sa bahay nila.
Andito na si Franz ang boyfriend ni Gwen, si Rika, Paulo, Hansley, Crystal at ang boyfriend niyang si Sebastian.
I was a transferee nung grade 10, habang ang iba sakanila'y magkakakilala na since grade 7. Napasok lang ako sa group nila nang maging kami ni Andrew nung grade 10 and now we're in grade 12.
"Paulo sabi ko sa'yo magdala ka ng mentos eh!" Sigaw ni Rika kay Paulo na nag lalaro lang sakan'yang phone at 'di pinapansin si Rika, dahil sa inis ni Rika sa hindi pag pansin sakan'ya ni Paulo ay pinisil nito ang pisngi niya, si Paulo naman walang magawa kasi sobrang focus sa game nila.
"sAbi Ko SaYo MaGdALa nG mEntOS eh!" Panggagaya naman ni Hanz kaya pinagpapalo siya ni Rika.
"Epal mo talaga Hansley! Sa'yo nga ako tatabi para masukaan kita!" Umakto pang sumusuka si Rika kay Hanz kaya diring-diri na itinulak niya ito.
BINABASA MO ANG
We are only eighteen.
Teen FictionSa mundong kinagagalawan ni Yuna Angelika Flores namuhay siyang asa likod lang ng camera, tiga-pinta lang sa canvas, sunod-sunuran lang sa kaniyang mga magulang, girlfriend lang ni Andrew at wallflower lang sa barkada. 'Yung tipong hindi mapapansin...