One of the perks of being the 'quiet one' is no one will suspect anything if you don't talk. Kasi nga, tahimik ka, normal mo na 'yun.
Kaya sa 1 week kong pag-iwas at 'di pag kausap kay Tristan, wala manlang nakapansin. Kasi normal naman sakanilang 'di talaga kami pala-salita. Mukhang, kami nga lang din ang affected e.
Nag lagay ako ng concealer sa kulay itim kong eye bags. Hindi parin maayos-ayos 'yung sleep schedule ko.
Hanggang kailan kaya 'to?
Hindi naman ako pala make-up pero I forced myself to learn it para matago lang 'to, alam ko kasing maiintriga nanaman sila Crystal at baka kung san pa mapunta kung subukan ko mang mag-explain sakanila.
Pero mukhang effective naman 'tong paglalagay ng concealer, kasi hindi sila nagtatanong kung nakukumpleto ko ba ang tulog ko.
The day is going on smoothly. Ang tanging ikinakakaba ko lang ay ang reporting sa research mamaya. Hindi kasi kami nakapag-usap sa distribution ng topics, kase lagi nilang sinasabi na sa GC nalang magusap pero wala rin namang nagchachat kinagabihan. Ngayong lunch palang kami mag uusap talaga tungkol dun. Kaya nang mag ring ang bell, tanda na tapos na ang morning period, agad kong hinanap 'yung flashdrive.
Kinalkal ko na pati pocket para sa tumbler pero wala parin akong mahanap. Tinutulungan na ako nila Rika para halughugin 'yung bag ko pero wala talaga. Mukhang nabahala naman sila Andrew nang makitang malapit na akong umiyak, nalabas na kasi namin lahat ng gamit sa bag ko pero wala paring flashdrive na nagpapakita.
"Are you sure na 'di mo nakalimutan sa bahay niyo?" Inisip ko, pero hindi ko matandaan. Ni hindi ko nga rin maalala kung nailagay ko nga ba 'yung flashdrive sa bag ko.
"Anong g-gagawin ko?" at tumulo na nga ang luha ko. Kaya agad akong niyakap ni Rika, "Papayagan naman siguro tayo makalabas?"
Hindi kasi kami pinapalabas pag lunch kasi andito naman na sa loob ng school mga kailangan ng estudyante, isang rule na naging dahilan kung bakit dito ako pinag-aral ni Mama. Madaming estudyante ang umaalma rito, pero syempre boses padin ng mga nagbabayad ng tuition ang pinakikinggan, kaya hindi maalis-alis ang rule na 'to, dahil pabor sa mga magulang. Kaya mas lalo akong nawalan ng pagasang makuha 'yung flashdrive... performance task pa naman 'yun. It will surely affect my grades, at malaki ang chance na magkaroon ako ng failing marks pag 'di ko nagawa 'yun.
My Mom will be furious.
I won't graduate as a valedictorian.
Magiging failure ako sa pamilya.
Madidisappoint ko si Mama at Papa na walang ginawa kundi magtrabaho para lang mapaganda 'yung future ko.
Magiging kahihiyan ako sa matatalino kong mga magulang at angkan.
My Mom and Dad will be ashamed of me, for sure. Naglayas na nga 'yung kapatid ko ta's 'yung natitira nilang anak, failure pa?
I can't do that to them.
"Hey, hey, babe!" niyugyog ako ni Andrew hindi ko namalayang nag space out na pala ako kaya bigla akong mapatingin sa concerned niyang mukha,
"Stop crying okay? Kakausapin nanamin 'yung teacher natin sa research." dahan-dahan akong napatango at pinanuod sila na umalis sa classroom.
Pinagtitinginan na ako ng iba kong kaklase but I couldn't care less, lalo na 'yung utak ko na tuloy-tuloy lang sa pagiisip, kaya 'di ko rin magawang patigilin 'yung luha ko.
Naiwan si Rika at Crystal sa tabi ko, "Maiintindihan 'yun ni Ma'am Ramos, mabait naman siya e. Tsaka tito kaya ni Sebastian 'yung principal." pag aassure sa'kin ni Crystal, kaya tumango nalang ako. Pero 'di parin mawala 'yung titig ko sa pintuan.
BINABASA MO ANG
We are only eighteen.
Teen FictionSa mundong kinagagalawan ni Yuna Angelika Flores namuhay siyang asa likod lang ng camera, tiga-pinta lang sa canvas, sunod-sunuran lang sa kaniyang mga magulang, girlfriend lang ni Andrew at wallflower lang sa barkada. 'Yung tipong hindi mapapansin...