Five days na lang bago ang one shot story contest! Basahin ang rules sa loob kung may hahabol pang tambayan. Lahat ng mga tanong ninyo ay nasa loob din. Ito ang summary:
1. Vote the story/stories that you like kapag na-post na namin ang mga entry. Ibig sabihin, puwede pong marami. Kung isa lang ang nagustuhan mo, e di isa lang. Kung tatlo, e edi tatlo. Pero bawal i-vote ang sariling kuwento. Huwag din sabihin sa mga kaibigan ninyo kung alin ang entry ninyo. Be honest and anonymous!
2. Puwede pong mag-iwan ng constructive criticism sa bawat entry kung gusto mo. Ibig sabihin, hindi po required. Kung gusto mo nga lang. Kung dalawa lang ang gusto mong lagyan, e di dalawa. Be honest din. Hangga't maaari, huwag sugarcoated. Kung walang emosyon ang kuwento niya, sabihin mo para malaman niya ang weakness niya. Pero iwasan ang harsh at rude comments, destructive criticism. Kahit pranka ka, may paraan pa rin para mabait ang tono mo kahit na masakit ang mga salita mo.
3. Members lang po ng tambayan ang puwedeng sumali, mag-vote at comment. Bawal ang outsider.
ANO BA ANG ONE-SHOT STORY?
--Halata naman sa pangalan. Isang chapter lang po iyon. Ibig sabihin, buo na ang kuwento rito. Kumpleto na. May ending. Sa ating contest, hanggang 2,500 o 4,000 ang word count limit ninyo para ma-apply ninyo ang mga writing lessons natin at hindi kayo bitin.
Kung may mga tanong pa kayo na wala sa rules o hindi pa rin ninyo maintindihan, i-comment na lang dito. Good luck!
~RedZetroc18 a.k.a Heneral
https://www.wattpad.com/story/162703192