'Yong ginagawa kong Coronacion Series, talagang sinadya kong medyo iba ang fictional men, like may bahid ng pagiging feminine ang mga professions. Just to break the stereotypes lang. Kasi common ko na talagang nakikita, mga engineer, lawyer, architect. Kaya medyo iba ang atake ko sa fictional men, although, nandoon pa rin 'yong ibang Wattpad feels, katulad ng mga nababasa natin sa ibang Wattpad Story, pero 'yon talaga ang main aim ko, bakit ako gumawa ng fictional men, na hindi na masyadong common. Saka lahat sila, may kinalaman sa arts at creative world talaga. Naka-line up na sila niyan, e.
Coronacion Series Fictional Men
1 - Fashion Designer
2 - Shoe Maker
3 - Make Up Artist
Hindi ko alam kung sila munang tatlo o magdadagdag pa ako. Baka sa ibang series ko na lang siguro sila ilagay.
#SenyoritaPiscesCoronacionSeries