Hai!
Parts 66-70 are now up! nailathala ko na rin ang epilogo, pagtatapos, espesyal na kabanata, gallery, at mensahe ng awtor.
Hindi ko inasahang matatapos ko ito, alam ko kasi sa sarili kong napakatamad kong tao, kaya nagaalangan akong ilathala ito. ngunit, sa tiyaga at sipag na iginawad sa akin ng Panginoon, natapos ko ito.
Isandaang araw na magkasama tayo sa kuwento ng buhay nila Xy and Mandei. Isandaang araw na puno ng tawa, iyak, galit, at kung ano-ano pang emosyon. Isandaang araw na sinipag ako (lol chz), at isandaang araw, mula sa araw na inilathala ko ito.
At ngayon, nagagalak akong sabihin ang mga katagang
Sa Susunod na Habang Buhay, ang pagtatapos.
Hindi ito ang huling pagsasama at pamamaalam ko sa inyo, ito ay simula palang ng mas marami pang akdang maghahatid ng ngiti sa inyong mga labi.
Ako si Archae, at magandang gabi!
-archae || f r i d a y ♥