Hello ate! gusto ko lang po sabihin na grabe yung mga stories mo netong mga nakaraang araw drain na drain po talaga ako ewan ko po kung saan siguro sa life, kaya na pagpasyahan ko po na magbasa nalang at nakita ko po tong mga stories mo which is yung THE POSSESSIVE SERIES.
Sobra po talaga ang naging epekto ng mga stories mo saakin ate nawala po panandalian yung mga iniisip ko, at sobra po akong na attach sa isang story mo yung kay NIKOS SY ewan ko nakaka mind blowing pero grabe iba yung love nila para sa isat isa naiintindihan ko po sila both sides, tsaka hindi ko alam na pagkatapos ko po basahin yung storya nya sobra po talaga akong umiyak to the point na pumunta pa ako sa banyo para de sila magtanong ano ba nangyayari sakin hahahaha ewan ko ate sobrang na attach lang talaga ako at sobrang mahal na mahal ko sila. Hindi ko po alam kung makakaya ko po ba na i Re-read sya kasi sobrang sakit po talaga kung maabot ko na yung epilogue.
Looking forward po ako sa iba mo pang stories kaya po sana hindi ka mapapgod magsulat kahit may mga araw man po na hindi natin mapipigilang isipin na huwag nalang ituloy pero sana po huwag, kasi sa mga sulat mo lang ako nakakahanap ng kaginhawaan.
SANA PO MABASA MO MAN LANG TO MAHAL KITA ATE gaya ng kung pano ko mahal yung mga characters mo lalong lalo na si NIKOS
-Thea