C H A P T E R 10
Last ChapterSeveral years after...
"Ms. Vercamino!" It was a call from my secretary. Narinig ko ang pagpihit ng door knob na siyang hudyat na siya ay pumasok na sa office ko. Inayos ko ang mga mahahalagang papers na hawak ko at nilingon siya. Dahan dahan siyang lumapit sa harap ko at ngumiti. Sinuklian ko rin siya ng ngiti.
"May naghahanap po sainyo sa labas," Aniya. Kumunot ang noo ko at tila naging kuryoso sa kung sino ang nasa labas. I don't have any appointments for today kaya sino naman?
"Ganoon ba? Sige, papasukin mo." Sagot ko. Agad naman siyang tumango at lumabas na para tawagin ang bisita.
Abala ako sa pagaayos ng mga papeles at files nang marinig ang pumasok. "Hmm. Am I disturbing you?" A voice from man.
Nilingon ko iyon at nang makita siya ay agad ko siyang nginitian. He's way more taller compared before and his office-wear suited him really well. Natawa ako nang bahagya at tinaasan siya ng kilay. "Bakit mo naman naisipan akong bisitahin, Hans?"
Hansley. Yes. After all these years, we still remained friends. We are still in contact with each other. Naging madali ang pagcocommunicate namin dahil nagkakasama kami sa meetings kung minsan. He didn't really change. He's still the kind and intelligent man I knew back in high school.
He sighed. He looked around first before he took a sit on the couch. Nakita ko rin ang hawak niyang folders na alam ko ay naglalaman din ng mahahalagang papel. He then looked at me. "I have so many vacant time. Got bored so naisipan kong ayain ka para magdinner. Mayroon din pala akong gustong sabihin saiyo." He winked.
Lalo akong napaharap sa kaniya. Tuluyan niyang naagaw ang atensyon ko sa sinabi. Kumunot ang noo ko, "Ano?" I asked out of curiosity.
"Mamaya ko na sasabihin. Besides, I don't know if it's a good news or not so..."
Lalo akong naging kuryoso sa naging response niya. In the end, I just rolled my eyes and sighed. Tumango ako at pumayag nalang sa aya niyang dinner tutal ay mukhang wala na akong gana pang magluto sa condo paguwi. Tinuon ko muna ang atensyon sa ibang gawain at siya naman ay tahimik lang akong hinintay.
Matapos ang ilang oras ay napagpasyahan ko ng magout. Inaya ko na si Hans na lumabas sa opisina nang makapagdinner na.
We decided to dine it at an exclusive restaurant. "What do you want for meals?" He asked.
"Just the usual." I smiled.
Nilibot ko ang tingin sa interiors ng restau. The place isn't crowded and you can tell that only the lavish people are here.
Matapos niyang sabihin sa waiter ang order ay inilapag niya ang dalawa niyang ka,ay sa lamesa at pinagsalikop iyon. Tinitigan niya akong mabuti. Napakurap kurap ako. Ano ba kasi iyong sasabihin niya?
"Well I'm just here to inform you that we will be on the same meeting next week," Aniya. Napataas ang kilay ko sa kaniyang sinabi. Iyon lang? Madalas naman iyong nangyayari.
"The meeting would be really funny because it's like a reunion of you and your ex-lover." Napailing iling siya at natawa nang bahagya.
BINABASA MO ANG
Crashed Into You.
Fanfiction"Why do you think moving on is so hard?" "Because it is hard to accept that you're not just going to let go of the past, but also the future you wished to spend with her together." A SHORT STORY. EST. 2018 COMPLETED Puertavilla, T.