6th

337 10 0
                                    



C H A P T E R 6

I hate that Thaddeus is giving me mixed signals. Sometimes he's sweet, sometimes he acts as if he doesn't care, , at all.

At the back of my mind, mas gusto kong isipin nalang na pinaglalaruan niya lang ang feelings ko. My admiration for him is very evident and he's using that card to make me fall for him. Harder.

Narealize ko lang na sa paglipas ng araw, nalalapit narin pala ang birthday ni Zyrah. We're all too occupied with the upcoming event to the point na nakaligtaan na namin iyon.

Kinalabit ako ni Julia. Nilingon ko siya. Ngumuso naman siya para ituro si Waki na tahimik na naglalaro ng Mobile Legends sa tabi.

"Oh?" I whispered.

"Birthday na ni Zai. Wala bang balak si Waki? Siya ang mahilig sa mga birthday surprises,"

"Joaquin!" I called him.

Saglit lamang soyang sumulyap sa amin at binalik ang tingin sa cellphone.

"Lika dito!"

Tumayo naman ito at hinila ang upuan at inilagay sa tabi namin. Nakapabilog kami ngayon. Ang iba naming kaklase ay abala sa ibang bagay. Maingay sila at may sari-sariling mundo.

"Ano na sismars? Wala ka bang balak na surprise para kay Zai?" Juls.

Inismiran siya nito, "Duh! Ako pa ba? Tahimik lang 'to pero nagawa na ng paraan to no!"

Napangiti ako sa sinabi niya. Totoo.

"As usual wala siyang plano sa birthday niya. She didn't even mention it," Nagkibit balikat si Mira.

"Her birthday is on Saturday. After Intrams. And, I'm planning to invite some of her friends and kuya Ysaac's band para tumugtog sila because I heard Zai is fond of their band. May nakausap narin ako tungkol sa birthday banners at pangdesign. What do you guys think?" Waki.

"Ay, bongga! Magaling ka rin talagang lukaret ka 'no? Mukhang matagal mo na napagplanuhan 'yan." Ju.

"Yeah last month pa."

Nagpatuloy sila sa pagdedesisyon at nasabing magrerent sila ng isang place kung saan gaganapin. Mula 5pm hanggang gabi gagawin ang sorpresa dahil may planong maglunch si Zai together with her family.

Planadong planado na ni Waki ang mangyayari at napasang-ayon kami. Ako narin ang nagpresinta na gumawa ng cake habang si Mira at Ju sa pangdedesign.

Abala kami sa pagpaplano at si Joaquin ay patuloy sa pagsasalita nang sikuhin siya ni Mira at Juls. Sa likod ni Joaquin ay nakita namin si Zyrah na papalapit.

Napaayos kami ng upo.

"Uy! Ano pinaguusapan niyo?"

"Wala, Zai. San ka galing?" Mira.

"Ah, doon sa kabilang section. Nakipagchikahan. Ang dami ko ngang nasagap na balita e'."

"Tologo? Share naman d'yan." Ju.

Nagkibit balikat si Zai. "About lang sakanila at sa mga nanliligaw mula sa kabilang section....pati narin yung tungkol don sa Lorshaw?"

Nakuha niya ang atensyon ko roon. Ganoon rin si Mira at tahimik na nakinig sakaniya.

"Nakita raw kasi nila si Lorsh na kasama si Sydney. Alam mo naman, maraming overprotective kay Thaddeus kaya sinabihan nila si Lorsh na mangaagaw. Yung iba naman mukhang natuwa dahil iniisip nilang mabubuwag na ang Syd and Deus loveteam," She rolled her eyes.

Crashed Into You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon