5th

377 17 0
                                    



C H A P T E R  5

Lalong dumagdag ang mga iniisip ko tungkol kay Thaddeus at kay Sydney. Hating gabi na at heto parin ako~nakahiga sa aking kama at hindi makatulog dahil sa mga iniisip.

Totoo ba ang sinabi ni Miracle?

I know Miracle. Malihim siyang tao pero isa ang sigurado ko, she never lies.

Pero, kung totoo nga, ay bakit naman ganoon? Bakit hindi nalang sila maghiwalay? Alam kaya ni Syd na alam ni Thaddeus ang ginagawa niya?

A part of me is pissed because of Sydney. Ang swerte niya na nga! Mayroon na siyang Thaddeus tapos nakuha niya pang manloko? Kung ako ang nasa lugar niya, hinding hindi ko iyon magagawa.

But then, hindi siya ako.

Mas malalim parin ang nararamdaman ko kay Thaddeus. Mukhang wala na atang makapapantay sa pagmamahal ko sakaniya.

Tumagilid ako nang higa at bumuntong hininga.

———————————

Kinaumagahan, wala sa sarili akong bumaba para kumain ng breakfast. Nakita ko si kuya na sinusundan ako ng tingin habang nainom ng kaniyang kape. Hindi ko siya nilingon at umupo na lamang sa upuang nasa harap niya.

Sinandukan ko ang sarili ng pagkain at ulam. I took the sign of the cross before I started eating.

Ang akala ko ay tatanungin ako ni kuya sa kung bakit ako tahimik ngunit himala at pinalipas niya iyon kaya naman tahimik parin ako hanggang sa makarating ng eskwelahan.

Dumiretso na kaagad ako sa booth. Maaga akong pumasok kaya naman si Miracle, Julia at Hansley palang ang nandoon.

Abala sila sa pagdedekorasyon. Ibinaba ko na ang bag ko at tinulungan sila.


Malapad ang ngiti ni Hansley nang binalingan niya ako.

"Good morning! Anong nangyari sa'yo at mukhang puyat na puyat ka?"

Napaawang ang bibig ko at bahagyang nahiya.

I chuckled awkwardly. "U-hm. Hindi kasi ako makatulog kagabi kaya..." I smiled.

Tumawa siya at ginulo ang buhok ko.

"Maganda ka parin naman kahit may eyebags ka."

"Hans!" Sigaw ng lalaki mula sa kaniyang likuran. Nilingon niya iyon kaya naman ako ay napatingin narin sa lalaki.

Lumapit ito sa amin at inapiran si Hansley. Lumayo si Hansley sa akin at nilapitan ang lalaking tumawag sa kaniya.

"Yong lalaki..."  Napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Miracle sa aking likuran. Itinagilid ko ang aking ulo para masulyapan siya.

Her eyes were on fixed on that boy.

"Siya ang boyfriend ni Sydney." Dagdag niya.

"Huh?"

Nilingon niya na ako at nginitian.

"He's not that handsome, right? That's why I don't get why Sydney would cheat with him." Miracle shrugged.

Tinignan ko ang lalaki na kausap ni Hansley. Malapad ang kaniyang ngiti. He's not that good looking—she's right. But he looks nice and friendly.

Lumapit sa amin si Hansley. Ang kaliwa niyang kamay ay nakaakbay sa lalaking kinausap niya. The boy smiled shyly while his hands are inside his pockets.

Crashed Into You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon