Jaxien's
"Gregorio! Two laps sa oval!" Utos ng captain namin.
Hindi ko naman sinasadyang ma-late eh, napuyat lang ako kakalaro ng Mobile Legends kagabi. Pero sulit naman yung puyat dahil nanalo yung team namin! 10k din yon no! Pang Bora Hut na yon.
"Grabe naman yon Capt!" Nakangiwi kong reklamo sa basketball captain namin na si Sullen.
Nakapamewang akong hinarap ni Sol, unti unting lumalapit sakin habang naniningkit ang mata.
"Make it five laps Gregorio." Seryosong sabi ni Sol.
Luh!
Ang hard naman ni Capt!
Two laps lang iyon eh, nakakapagod kayang tumakbo no!
"Gregorio?" Nakataas ang kilay na pukaw ng atensyon sakin ni Sol.
"Yes Captain! Aye aye!" Lumabas na ako ng gym at pumunta sa oval and the punishment begins.
Naka-apat palang ako na ikot sa oval ay tumigil na ako dahil masakit sa balat ang sikat ng araw.
"Gregorio don't cheat! You have one more left!"
Aba aba! Binabantayan pala ako ni Capt!
Baka crush ako nito ah! I smell something fishy.
Wala akong nagawa pa. Kaya tumakbo na ako at baka madagdagan pa ang punishment ni Capt sa akin.
_______________
"Gregorio!" Tengene nagulat ako sa sigaw ni Captain. Aatakihin ako sa puso nang wala sa oras e! Diko alam baka may lihim na galit to' sakin si Sullen.
Nakasimangot sakin si Sullen, pero nginitian ko siya nang pagkatamis tamis. "Bakit po Kap?" Tanong ko nang makalapit na ako sakanya.
Pero mukha atang mas sumama ang timpla ng mukha niya."You know Gregorio.." Pabitin niyang saad. "You look like a.." Ano ba naman yan. Kung sex lang ang bawat salita ni Sullen, kanina pa siguro sumakit ang puson ko. Bakit? Kasi napaka-PABITIN! naknang!
"A Goddess?" Ako na ang nagdugtong sa sasabihin niya. Naku malaman ko lang na crush ako nito talagang hindi siya makaka-puntos sakin.
Sullen rolled her eyes. What? Ano'ng mali sa sinabi ko aber?
"Asa ka Gregorio, mukha kang Tuko."
Grabe naman! Sa ganda kong to'? Mukha lang akong tuko? Abay 50/50 ata vision nitong si Sullen eh. Malabo na ata mata nitong kutong lupa na'to.
"Luh! Grabe siya." Kunwari akong nasaktan sa sinabi niya.
"Drama Tss! Anyways, halika dito Gregorio." Hinila ako ni Sullen sa kung saan man. Kaming tatlo nalang ang nandito sa Gym. Ako, Sullen at si Eunice, pero si Eunice nag-aayos nalang ng sports bag niya at mukhang paalis na. Tumigil kami ni Sullen sa gitna ng Gym. "Did you see those?" Turo niya sa mga nagkalat na bola.
"Yes Kap!" Tuma-tango kong sagot.
"Good." Sullen tapped my shoulder. "Pakibalik dun sa box then hatid mo sa storage room. Because I need to go." Pagkasabing pagkasabi niya non, tinalikuran niya na ako.
What the?! Ako na naman? Naaamaaaaan!
"Ganyan din ako noong freshman Jax." Natatawang turan ni Eunice na ngayon ay paalis na.
"Eunice may afternoon class pa ako huhu." Um-acting ako na naiiyak.
Muling humarap si Eunice, bumalik siya sa bleachers at ibinaba ang sports bag na dala. Lumapit ito sakin.
BINABASA MO ANG
DRUNK CALL (GxG)
RomanceNumber one rule is: 'WAG KANG AAMIN KAPAG LASING! "Falling in love with my best friend is the last thing I want to do. But shit happened, because of that accident kiss we've shared. I fell under of her spell, and I'm a fool for confessing my feelin...