Jaxien's
Past 12 midnight na pala. Andito parin kami sa Bora Hut ni Eunice, naka-tatlo na nga kaming bote ng Mojito. Kaya medyo may tama na ako, si Eunice naman wasted na agad!
"Crush ko si Lanneeeeeel!" Sigaw ni Eunice dito sa loob ng bar. May mangilan-ilan ngang tumingin kay Eunice, siraulo talagang 'to.
"Pero hindi mutuaaaal!" Sigaw ko rin pabalik.
Nabo-broken din pala ang mga diyosa?
May narinig akong nagsabi galing sa crowd. Siyempre naman! Tao rin kami may pakiramdam, kaya marunong din kaming masaktan!
"Gago ka Jayks.." Ayan bulol na. Naging yayks na pronounce niya sa pangalan ko. "Bakit hindi tayo nala-like back hik! Hindi ba tayo likeable? Hik! Alam ko jowable nemen tayo hik!" Tanginang Eunice 'to. Sumisinok pa.
"Kuya excuse me, can I ask for a glass of water?" Tumango naman ang waiter.
"Deep no'n Eunice ha? Mukhang malalim."
"Deep? Malalim? Parehas leng nemen yown! " Aba may accent na si bruha. "Inuuto mo ba 'ko?" Dinuro nya pa 'ko.
I just rolled my eyes. Akala ko pa naman, ako ang mag-eemote ngayon? But, it ends up being Eunice who's the drunken bitch, like a broken shit here.
Yeah! Rhyming papi ha? -ego
Whatever! The fck na papi 'yan. Ano 'ko? Aso? Eeeehhh!
Hindi talaga natin maiiwasang magkaroon ng kaibigan na mahinang magwal-wal.
Dumating na 'yung tubig na hiningi ko kay kuya. "Oy, Eunice! Drink water, nakaka-dehydrate ang alak."
"Gusto ko si Lannel eh." Nakasandal ang ulo nito sa back rest ng upuan habang nakapikit ang mga mata.
"Talandi! Inumin mo na 'to, ibuhos ko sa'yo 'to eh." Humagikhik lang ito. Hala siya? Parang tanga amputa! Kinikilig ang loko!
"Pagmamahal ni Lannel ang gusto kong ibuhos mo sa 'kin. Hihi!" Tangina di 'ko na kaya. Ang harot pala nito kapag lasing. Mukhang in love na in love 'to kay lider nang mga bibe.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko. In-open ko ang camera at umayos ng pagkaka-upo. Kumuha ako ng pictures kasama ang lasing na si Eunice.
Then I posted it on my facebook 'my day'. Naka-tag rin 'to kay Eunice, tapos may tagline na: Hindi na kinaya, patay! 🤭😝
Chineck ko kung may nag-view na ng 'my day'. Aba, meron na agad.
Viewers:
Sullen Grey Montario (may training bukas!🙄)
Aba may social life din pala 'to si kap!
Dapat pala inaya ko rin 'to kanina, para hindi nagsungit. At paniguradong lagot kami bukas, kapag na-late kami sa training.Lannel Veronica Arellano
Yvren Marietta Constancio ( 😮?)
Silang tatlo palang naman ang nag-view sa my day ko. Lagot 'to si Eunice sa bebe n'ya. I grinned.
Tapos si Yvren, nag-react ng wow tapos question mark na comment. Ano ba trip niya sa buhay, Tss! Hindi ko nalang ni-replyan, tsaka aber, ano naman ang ire-reply ko sa question mark?
Malay mo nagseselos. -ego
Selos?! Sus! Selos selos, eh may boyfriend na nga! Grabe naman siya magselos kung ganoon, nagbo-boyfriend!
BINABASA MO ANG
DRUNK CALL (GxG)
RomanceNumber one rule is: 'WAG KANG AAMIN KAPAG LASING! "Falling in love with my best friend is the last thing I want to do. But shit happened, because of that accident kiss we've shared. I fell under of her spell, and I'm a fool for confessing my feelin...