Chapter Five

116 3 0
                                    

Jaxien's

I woke up early even if I felt my head is swirling insuperably. Fck that alcohol. Nasa huli talaga ang pagsisisi kapag uminom, mapapasabi ka nalang nang hindi na ulit ako iinom promise!

Monday pala ngayon, I need to wear my school uniform at baka hindi ako papasukin ng guard. Dapat talaga nag-UP nalang ako, atleast doon hindi mo kailangan magsuot ng uniform kapag papasok. Kaso ang layo ng UP, Dad won't allow me to go far away from his sight.

Nadatnan ko lang si Makoy na mag-isang kumakain sa dining room. Where's everyone? Siguro umalis na, past 7 na rin naman kasi.

"Mag-isa ka ata Makoy?" I asked my brother as I sat in front of him.

"Umalis na si Daddy at si Mommy.. May breakfast meeting daw." Tugon niya. "Si Erkin naman, tulog pa." Dagdag niya pa.

I nod at him and naglagay na ako ng pagkain sa plato at nagsimula nang kumain.

After I finish eating breakfast, napagdesisyunan ko nang umalis at pumasok sa school. Labag man sa loob ko, pero aayusin ko na ang pag-aaral. Wala pa akong laban kay Daddy, I'm just a fcking stubborn mule.

"Makoy, can I borrow your car?" Manghihiram muna ako ng kotse, nakalimutan ko nga palang ipakuha sa family driver namin 'yung kotse ko. Naiwan ko sa Rookies kagabi. Ayoko namang magpa-hatid sa driver namin, ano 'ko? Bata? Ew!

"Sige ate, you can borrow the black one." Sabi nito.

"Talaga? You will let me borrow your BMW?"

For the first time! Ipapahiram n'ya ang beloved new car niya ah. Well, lahat naman kami may bagong sasakyan, 'yung sa 'kin cedes. Ah! Si Erkin pala, mountain bike lang. Hahaha! Sixteen palang naman kasi s'ya eh, hindi pa pwedeng mag-drive. Wala pa sa legal age.

"Like I have a choice eh?" He rolled his eyes.

"Attitude ka cyst?"

"Oo cyst, tsupi!" Maarte nyang sabi at pumunta sa kwarto niya para kunin 'yung susi.

I can't help but to burst into laugher. Yawa ka Makoy, ang daming iiyak na babae kapag naging beki ka, I shook my head.

"Oh." He lend his car key to me, then I grabbed it immediately from his hand. Baka bigla pang mag-bago Ang isip eh.

"Yown! Bye brotha!" I said and wave my hand.

Buti nalang pala at naibenta ko 'yung dati kong sasakyan, nahiraman ko rin sa wakas ang madamot kong kapatid. I evilly laughed in my head.

---

7:45 AM ako dumating sa school, 8:30AM pa naman ang first subject. So, I still have 45minutes to spent for not so important things.

Ano kaya or saan kaya ako pwede pumunta? Tss! Wala akong maisip, kaya ayokong pumapasok nang napaka-aga. Si Yvren kaya? Dapat pala sinundo ko nalang siya. Kadalasan kay Yvren, 20 minutes before the class start is her arrival.

Siguro 10 minutes na akong nandito sa loob ng sasakyan mula nang dumating ako dito sa school. Ayoko pa bumaba e, bat ba! Naka-full tank naman ako tapos bagong palit battery ng sasakyan ko e. So there's nothing to be worried about.

DRUNK CALL (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon