Chapter Eleven

115 3 9
                                    

Jaxien's

"What the hell is your problem woman?!" Singhal sa'kin ni Theo dahil malakas ko siyang sinuntok sa panga.

Gaya nga ng plano namin ni Eunice, babanatan namin si Theo after ng party. Kaya nandito kami ngayon sa parking lot.

"What the hell Jax?!" Madiin na sigaw ni Theo.

Inayos ko muna ang suot kong polo shirt bago muling kwinelyuhan si Theo. Nagpalit ako kanina ng damit dahil nga, may babanatan ako.

"You fucking cheater!" Muli kong pinalipad ang kamao ko sa mukha niya.

"Stop it Jax! Hindi kita papatulan dahil babae ka!" Singhal na naman ni Theo.

"Tangina mo! Ano ngayon kung babae ako? Fight me!" Panghahamon ko pa dito.

At nakita ko ang pagguhit ng ngisi sa labi ni Theo, "Kahit hindi kita labanan, talo kana Jax." Makahulugang turan ni Theo. "Kasi ako ang pinili ni Yvren, instead of you." Dagdag pa nito.

My jaw tightened and I gritted my teeth in anger. So, this were his way to hurt me back. Attacking me emotionally.

Well, Theo hurt me so bad with his blunt words.

Pero hindi ko ipapahalata na talo ako. Kaya muli kong kinuyom ang kamao ko at sinugod kong muli si Theo. Sunod-sunod na suntok ang pinakawalan ko sa mukha niya. Galit ako! Tangina! This is the good way to blow off some steam!

"Jaxien tama na!" I heard Yvren's voice. Dahilan para hindi ko na maituloy ang isang pang suntok na dadapo sa mukha nito.

Ramdam ko parin ang galit na lumalamon sa buong sistema ko. At nandidilim parin ang mga paningin ko.

I was fuming mad! At mas lalo kong ikinagalit ang dahilan na, sa labang ito, ako ang talo. Tangina....

Hindi ko kayang harapin si Yvren dahil baka maiyak ako. I don't want to humiliate myself in front of this people.

"Stop hurting him! Nasasaktan ako sa ginagawa mo!" Galit na sigaw ni Yvren.

Nasasaktan? Nakakatawa lang tangina. Ako pala hindi? Kung alam mo lang Yvren! Quotang quota ka na sa pananakit sa'kin.

At ang malaman ko palang na si Theo ang kinakampihan ni Yvren. Nanliliit na ako para sa sarili ko. Ang pathetic ko, sobra.

"Kung may galit ka sa'kin, ako ang balingan mo ng galit mo. Hindi 'yong mananakit ka pa nang ibang tao, ganyan ka na ba Jax?! Para kang walang pinag-ara--"

"Bullshit!" Malakas kong mura para tumigil na sa kakasalita si Yvren.

Dahil sa totoo lang? Pahiyang-pahiya na ako sa ginagawa niya.

May mga iilang estudyante narin ang nakikiusyoso sa'min dito.

Gustong kong magalit kay Yvren. Pero hindi ko kaya... Kaya mas nagagalit ako sa sarili ko, dahil ang tanga tanga ko.

Ang dami kong gustong sabihin. Gusto kong sabihin ngayon kay Yvren lahat ng hinanakit at sakit na nararamdaman ko. Pero minsan, pananahimik ang solusyon para hindi na lumaki pa ang gulo.

And sometimes, silence says a lot. It will confuse other people.

So I choose to be silent.

Nagsimula na akong maglakad patungo sa sasakyan ko.

Pumasok ako sa sasakyan nang hindi man lang tinatapunan ng tingin si Yvren.

The raging anger and hatred is spreading like a wild fire on my system. I am breathing heavily because of what I feel.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DRUNK CALL (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon