Chapter Nine

97 2 2
                                    

Yvren's

"Yvren Mahal kita..."

.
My body stiffened upon hearing those words. That three words situate an avalanche in my chest.

Ang bigat sa loob na marinig ko iyon. I should be happy right? But my heart felt otherwise.

Jax just told me she loves me! 

Kung dati, gustong-gusto kong marinig na sabihin 'to ni Jax... Magtatatalon pa siguro ako dahil sa tuwa. Pero unang araw palang ng SCUAA nila Jax, someone told me to stay away from her.

First day ng SCUAA ngayon, mag-isa akong uuwi ngayon dahil wala si Theo, at wala rin si Jax... Tsaka hindi pa pala kami okay ni Jax, kaya I shrugged off the thought na pwede kaming magsabay na umuwi ni Jax, like the usual. Pero wala din si Theo na maghahatid sa 'kin, after all, he's my boyfriend... Natawa ako dahil sa naisip, anyway, I'm just bluffing... Theo is my fake boyfriend, sinagot ko dahil naiinis ako kay Jax! She told me she likes Eunice! Kaya naging boyfriend ko tuloy si Theo out of jealousy.

Yes, you heard it right... Gusto ko si Jax, romantically... Kaya ako nagseselos, lately ko lang din na-realize na gusto ko na 'yung kumag na 'yon.

Pero natigil ako sa pagiisip-isip nang may tumigil na isang itim na Range Rover sa harap ko. Hindi naman pwedeng sa 'min ang sasakyan, we're not that rich to buy this kind of expensive car. At mas lalong hindi naman ito sasakyan ng kidnapper na manghihingi ng ransom money or 'yong mga nagbebenta ng organs, makakabili ba sila nito? Siyempre hindi! This car worth millions!

Bumukas naman ang bintana mula sa driver seat, at isang lalaking naka-itim na polo ang nakatingin sa 'kin.

"You are Miss Constancio, right?" Sabay pakita pa ng phone nito, kung nasaan mukha ko ang nasa screen.

"Yes ako nga, bakit?" Curious kong tanong.

"I am Congressman Javier Gregorio's personal assistant, and I'm here to fetch you..."

"Bakit?"

"He wants to talk to you." Lumabas ito ng driver seat at pinagbuksan ako ng backseat. "Hop in."

Nag-aalangan man ay pumasok ako. Nakakapagtaka lang na gusto akong makausap ng daddy ni Jax. Pero sa hindi malamang dahilan, ay kinakabahan ako.

"Tito Javier, gusto niyo raw po akong makausap?" Tanong ko nang maupo ako sa upuan katabi ng kama nito.

May nakakabit pang dextrose kay Tito Javier, at may oxygen machine pa sa kabilang banda ng kama, kumpleto sa hospital materials. What happened to him?

"I was shot last week, that's why I'm here lying weakly in my bed." He answered the question in my head. Siguro nakita niyang may pagtataka sa mukha ko.

"Best friend kayo ng anak ko 'di ba?" Tanong nito.

"Yes po Tito," I answered him.

Tito Javier chuckled."But my daughter sees you more than that," Seryoso akong tiningnan ni Tito Javier."And I think, you know what I mean... To cut the curiosity in your mind, my lovely daughter who happens to be a tomboy, has this romantic feelings towards you. And that romantic feelings will be a hindrance to my daughter's future. Sorry to say this hija, but you're no good for my daughter,and if ever my daughter Maui confessed something to you, please don't give a bite. Or else, I'll do something with your family.So stay away from my daughter." Pinal at mahabang sabi nito at hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng takot sa huling sinabi nito. At isa lang din ang naging konklusyon ko sa mga sinabi ni Tito Javier, he's threatening my family, just because Jax has romantic feelings towards me.

DRUNK CALL (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon