Jaxien's
"Bud, umiyak ka please! Ilabas mo 'yan, 'wag mong dibdibin! Wala ka no'n!" Madramang sabi ni Eunice.
Tinampal ko s'ya sa noo, "Gago! Eh sa hindi naman pala ako naiiyak na? At talagang isinama mo pa dibdib ko ha? Ano kaya kung ipakita ko 'to sayo?" Sabay mosyon ng dibdib ko, para kasing tanga, kanina pa ako pinipilit na umiyak.
I've cried too much earlier. And ewan ko, I don't feel like crying right now. Maybe the pain was too painful that made me feel so numb from the inside. And I feel an avalanche in my chest, and I want it gone also. But I don't know how? Especially right now, I cannot even shed any single tear.
"Eww! Ayoko sa boobs mo, too small. Kay labidabs ko size 34! Hihi!" Ang halay taragis. "But seriously Jax, ilabas mo 'yan. Teka, maghihiwa lang ako ng sibuyas para maiyak ka." Akmang aalis na 'to sa upuan nang muli ko itong hatakin pabalik.
"Sa tingin mo maiiyak talaga ako? Your silly jokes ha, imbes na maiyak ako pero ano--"
"Hala! H'wag kang maiinlab sa'kin, nakuuuu! Ako'y para lamang kay Lannel my labs!" Um-acting pa itong nagpupunas ng luha.
"Argh! Bwisit ka talaga!" Pinitik ko si Eunice sa ilong.
"Ouch ha?" Reklamo nito habang himas-himas ang nasaktang ilong.
"Serves you." Benelatan ko pa ito.
"Mind me if I'll join you two?" Aniya sa isang malambing na boses.
I gently lift my head para makita kung sino ang may ari ng boses.
"Shena?" Paniniguro ko. Siya 'yong assistant ni Dean.
"Yes! Good to know naalala mo pa ako." She winked at me. "So, pwede makiupo?"
May pa-kindat pang nalalaman. Nagpatay malisya nalang akong tumingin sakanya at ngumiti.
"Sure." Sagot ko.
"Hi!" Bati ni Eunice dito.
"By the way, Uhm, Shena this is Eunice Fuentebella, team mate ko and also a good friend of mine." I hardly tapped Eunice's back.
"Aray!" Eunice muttered, mukhang napalakas ata!
"Oh hello Eunice! Pleased to meet you."
"Pleasure is mine."
"I'm Shena Lanceolate Tangler,"
Familiar ang name niya? That Lanceolate, parang nakita or nabasa ko na siya somewhere.
"Ang ganda ng name mo, parang ikaw." Sabi ni Eunice. Ay huma-harot amp.
"Enevah, 'wag kang joker! Tsaka hindi mo na ako makukuha sa banat mong 'yan. Because I'm eyeing someone." Turan naman ni Shena. "Someone, I like." Makahulugang sabi nito, pero sa'kin nakatingin. "And it's a gal."
"You mean to say, ano ka rin?" Amused na tanong ni Eunice kay Shena.
"Anong ano?"
"Babaeng hanap rin ay babae?" Ang kulit ni Eunice.
"Ah okay. Yes, bisexual ako." Nanlalaki ang mata ni Eunice dahil sa naging confirmation ni Shena sa gay radar niya.
"Noice!" Nag-slow clap pa si Eunice. Parang tanga talaga.
"Uhm." Tumikhim ako bago nagsalita at para kunin ang atensyon nila, "Your name is kinda familiar, parang I saw it somewhere?" Tanong ko kay Shena.
Ngumiti naman ito sa'kin. "Gano'n ba? Maybe 'yong restaurant namin?" Sagot ni Shena.
"Oo! Iyong Lanceolate restaurant nga." Tumatango-tangong sabi ko.

BINABASA MO ANG
DRUNK CALL (GxG)
RomanceNumber one rule is: 'WAG KANG AAMIN KAPAG LASING! "Falling in love with my best friend is the last thing I want to do. But shit happened, because of that accident kiss we've shared. I fell under of her spell, and I'm a fool for confessing my feelin...