Chapter Three

148 3 0
                                    

Yvren's

"Thank you for sending me home Theo." Nanliligaw si Theo sa akin, he insisted na ihatid ako.

"No worries Riette, it will always be my pleasure." He smiled sweetly.

Guwapo si Theo, gentle naman kaso nga lang.. medyo flowery magsalita, pero hindi ko ramdam sa actions niya.

Ewan ko nga eh, why in the first place I let him court me. Siguro dahil ay crush ko siya?

"Ingat pauwi Theo." I tapped his shoulder.

Tango lang ang naging sagot niya sa akin at tumalikod na. Pero nagulat ako sa sunod na ginawa niya.

Theo kissed me! What the hell? He kissed me near on my lips. Muntik nang lumanding sa labi ko ah? Buti nalang naka-iwas agad ako.

"The hell Theo?!" Nasampal ko siya.

Mukhang nagulat ito sa ginawa ko, ginalaw galaw nito ang panga. Malakas ata iyong pagkaka-sampal ko. Pero tama lang iyon sakanya, hindi ibig sabihin na komportable akong kasama siya ay may karapatan na siyang nakawan ako ng halik! It was a ungentlemanly behavior.

I met his gaze. Nakitaan ko nang galit ang mga mata ni Theo, pero agad niyang tinago at naging maamo na ang mukha. Well, you're not good in hiding emotions Theo. Gotcha.

"I'm sorry Riette," He held my hand pero agad ko itong binawi sakanya. "I just thought that uhm.. It's okay with you if I'll kiss you."

"Hindi ako liberated na babae Theo, just to inform you conservative ako."

"Riette, I'm really sorry." He let out a heavy sighed."Hindi ko na uulitin."

"Last chance to prove yourself Theo," I bit my lower lip. Pinipigilan ko lang talagang huwag magalit sakanya. Masakit akong magsalita e.

"Yes po Riette," Itinaas nito ang kanang kamay, "Promise I'll be good."

Tinanguan ko ito.

"Sige, papasok na ako sa loob. Bye." Hindi ko na hinintay na magsalita si Theo. Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa kwarto. I need a cold shower, na-stress ako doon.

Umupo muna ako sa edge ng kama, naalala ko lang yung nangyari kanina. Bakit bigla nalang na nag-iba ang mood ni Jax? Galit ba siya kay Theo?

Kasi naman sakanya sana ako sasama kanina, pero bigla ba naman akong iniwan? Gagong yon! Nalanghap ko pa iyong usok nang tambutso. Mapipingot ko talaga si Jax bukas.

May narinig akong mahinang katok sa pinto.

"Bunso? Kakain na," Si ate Yuri pala.

"Sige po ate, susunod nalang ako. I'll just change my clothes." Hayy. Mamaya nalang ako maliligo.

"Sige bunso."

Nakakainis na Jax yon, bakit ganon inasta niya kanina? Okay hindi naman ako naiinis dahil hindi niya pinansin si Theo, pero ang ikinakainis ko lang iniwan ako kanina? Best friend ko ba talaga siya sa lagay na yun?! May pagka-gago talaga si Jax. Ay hindi, gago talaga siya sobra.

Teka. Tawagan ko nga si gago, letche siya ah. Naiinis ako sakanya.

The number you have dialed is either unattended or out of coverage area, please try again later.

Tatlong beses ko nang tinawagan, nagri-ring lang. Grrrrr! Jaxiiieeeen! Inis kong sigaw sa aking isipan.

I closed my eyes, I needed to be calm. Pero pagka-pikit ko nang mga mata ko. Letche mukha ni Jax ang nakikita ko. What the hell?!

DRUNK CALL (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon