Chapter Four

127 2 0
                                    

Jaxien's

"Oo, tapos... Gustong gusto ko siya. Legit."

I'm still hugging her. Ayoko munang kumalas, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Baka madulas ako, baka bigla kong masabi na 'ikaw yung gusto ko'

Baka masira kami.

Baka hindi mutual hindi ba?

I'm torn between risking our friendship or I'll keep this a secret, this growing romantic feeling towards Yvren.

Tangina naman. Puro baka, kung karne lang napakinabangan ko pa sana.

Lakas mo maka-RomCom tsong! -ego

Totoo naman ah? Eh di sana may nilaga.

Tanga! Kapag may tiyaga, may nilaga. -ego

Wow tanga talaga? Grabe 'tong brainy ko, napaka-brutal mag salita. Anyway, kunwari si Yvren yung nilaga. So I need to patiently wait? Paano pala kung maghihintay lang ako sa wala?

Puro what if's! I need to do something, wala naman kasi akong mapapala kung puro nalang ako selos.

At sinabi ko na sa sarili ko na dapat aware lang ako sa mga actions ko, pero fck! I cannot contain my emotions.

Halatang halata ako kapag nagseselos. Being rude is my defense mechanism kapag nagseselos. Shit na buhay naman to' o.

Matutuwa sana ako kung ako iyong ipinunta niya kanina sa gym e, pero diko alam, baka kasi ibang tao naman ang sadya niya. Well, guilty naman ako sa ginawa ko kanina kay Yvren.

"Kap time freeze! Please bibili lang ako ng tubig sa cafeteria, ubos na laman ng tumbler ko e."

Sinimangutan ako ni Sullen, haynako! Palagi nalang na nakasimangot, pinaglihi ata to' sa sama nang loob e. Tapos Sullen Grey pa ang pangalan, gloomy ang datingan.

"Haist! Fine! 10 minutes Gregorio."

Ayon! Salamat naman at pumayag, hahanapan ko nga ng jowa si Sullen. Mukhang kulang ito nang pag-ibig sa katawan, ano kaya trip no'n? Babae o lalake? Magtatanong tanong nalang ako.

Patakbo akong lumabas ng gym. Nang nasa corridor na ako, nakita ko si Yvren na kausap si Theo at ang saya niya.

Kumuyom ang kamao ko. Tangina bakit ganito ang naramdaman ko? That raged feeling.

Hindi ko na hinintay pang mapansin nila ang presensya ko, tumalikod na ako at naglakad pabalik sa gym. I gritted my teeth in anger.

Buti pa iyong Theo na yun, dadalawin! Samantalang ako hindi? I was fucking devastated of what I just saw.

Pero sino nga ba ako? Best friend lang ako at yung si Theo manliligaw ni Yvren. Uh! Baka sila na. Ahh tangina.

At isa pa, straight si Yvren.

Suntok sa buwan ang magka-gusto sa straight tapos best friend mo pa.

"Oy bebe? Nasan tubig mo?" Tanong ni Eunice pagkakita sa akin.

I creased my forehead before letting out a heavy sighed.

DRUNK CALL (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon